C H A P T E R 5 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Kung hindi lang nagising bigla si Rian ay baka buong gabi siyang umiiyak at sisishin ang sarili dahil sa malagim na nangyari kay Hazel.
Sa isang oras na pananood niya ang video na 'yun ay lumiwanag na lahat ng gumgulo sa isip niya.
Unang-una ay si Hazel ang unknown number. Pinaliwanag niya doon sa video na nakita niya raw si Santa sa may kasama si Pepper na nag-iinom. At tinake niya ang chance na 'yun para kunin ang number niya habang lasing siya.
Pangalawa ay 'yung sa issue na masyado siyang desperado kay Milo. Pero ang totoo ay desperado siya kay Santa. Talagang inakit niya si Milo upang mahulog si Milo kay Hazel at magiging dahilan 'yun para ayawan na ni Santa si Milo.
Pangatlo ay tungkol doon sa test. Hindi siya nandaya katulad ng iniisip ni Santa. Pinagpalit lang ni Hazel ang papel nila. Sinasadya niya talaga raw iyon dahil nalaman niya na may balak na masama si Sander sakaniya.
Kaya hindi maiwasan ni Santa na sisihin ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit niya sinisisi ang sarili niya, kahit wala naman talaga siyang kasalanan. Siguro ay naawa lang siya sa naging sitwasyon ni Hazel.
She sacrifices herself just so that Sander can't rape Santa.
Pero hindi maiwasan ni Santa na makaramdam ng inis kay Hazel. Pwede naman kasing hindi na lang siya umattend sa party na iyon para hindi magawa ni Sander ng tuluyan ang balak niya.
"Ate," tawag sakaniya ni Rian kaya agad siyang napalingon dito.
Ngayon ay hindi niya na maiwasang makaramdam ng lungkot. Sa tatlong taon silang nanatili sa New York ay nakikita niya ang unti-unting pagiging mature ni Rian. Tumatangkad na rin ito at mas lalong humahaba ang wavy nitong itim na buhok.
Kung pagtatabihin silang dalawa ay para na silang mag nanay.
"Ang bigat na ni Hansel," nakangiwi niyang sabi. Agad namang napangiti si Santa saka dahan-dahang nilipat si Hanzel sa kandungan niya.
"Lumalaki na kasi siya," paliwanag niya at hinawi ang pirasong buhok na humarang sa mukha nito. Kahit na apat na taong gulang na ito ay nagpapabuhat pa rin ito sakanila.
"Sa susunod na taon pa siya mag-aaral, d'ba po?" magalang na tanong ni Rian saka inayos ang uniporme na suot.
Agad namang tumango si Santa saka inayos ang pagkakabuhat kay Hansel.
"Sa Pilipinas na lang po natin siya pag-aralin? I mean doon sa school namin noon na kinder garden. Mababait naman po teacher doon," suhestyon nito. Agad namang nahulog sa malalim na pag-iisip si Santa.
Tatlong taon na naman silang tahimik na namumuhay sa New York. Wala namang ibang ginawa si Santa kung hindi alagaan ng mabuti at itinuring na anak si Hansel. Gabay na gabay siya rito pero tinuturuan niya pa rin naman ito maging independent.
"I will go now," nakangiting sabi ni Rian at hinalikan sa pisngi si Santa at si Hansel na tulog mantika.
"Mag-iingat ka!"
"Opo!"
Nakangiting nanood lamang siya ng mga cartoons na laging pinapanood ni Hansel hanggang sa nagising na ito.
"M-Moma, I want nuggets," nakangusong sabi nito dahilan para mapalabi si Santa.
"Remember, This is not the day you will eat nuggets, right?"
Mas lalong humaba ang nguso nito at nag puppy eyes sakaniya. "Please?"
May kung anong humaplos sa puso ng dalaga ng makita ang pagpapa cute nito sakaniya. Talagang kapag nag pa cute na sakaniya si Hansel ay hindi niya na magagawa pang tumanggi.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomantizmBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...