C H A P T E R 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Chrysanta open the door."
Mabilis na dumilat ang dalaga, sumalubong sakaniya ang madilim na langit kaya nanlaki ang mata niya. Hindi niya na pala namalayan na nakatulog pala siya ng nakasandal sa pintuan.
"Chrysanta do you hear me? Are you sleeping!? Wake up damn bitch!" sigaw ng dad niya mula sa labas.
Napalunok ang dalaga ng makaramdam ng matinding kaba. Humugot siya ng malalim na hangin at dali-daling binuksan ang pintuan.
Muntik na siya mapasigaw ng bigla niyang naramdamang humapdi ang pisngi niya, she just slapped by her dad.
"Sinong nagsabi sa'yong dalawang oras lang mag-aaral ang mga kapatid mo!?" sigaw niya. Kitang-kita ng dalaga na nanginginig ang kamay nito kaya mas lalo siyang nilukob ng matinding kaba.
Ito na ba ang sinasabi ng mom niya na wag na wag niya dapat galitin ang dad niya?
Kinagat ni Santa ang pang-ibaba niyang labi upang pigilan ang sarili sa pag-iyak. Mahina siyang humugot ng hangin mula sa dibdib at nakayukong humarap sa dad niya.
"I-I'll t-take all t-the punishment t-that you want, wag mo lang silang pag-aralin ng limang oras," pahina ng pahina niyang sabi.
Mariin siyang napapikit dahil sa bigla niyang naging desisyon. Ang buong akala niya ay makakausap niya ang dad niya ng masinsinan ngunit kailangan talagang dumaan muna siya sa dahas.
"All the punishment?" Pag-uulit pa nito kaya agad nag-angat ng tingin si Santa na sana hindi niya na lang ginawa.
Kitang-kita niya ang nag-aapoy na galit nito at kasiyahan, naghahalo iyon sa hindi malamang dahilan. Nag-taasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng makitang ngumisi ng malawak ang dad niya.
Nakuyom niya ang magkabila niyang kamao. Gusto niyang lumaban, gusto niyang bawiin ang sinabi niya at higit sa lahat gusto niyang suntukin ang dad niya. Ngunit alam niyang hindi niya iyon magagawa dahil madadamay ang dalawa niyang kapatid at higit sa lahat baka mas lalo siyang saktan nito.
"Answer me!" malakas na sigaw nito kaya hindi na napigilan ng dalaga na mapatalon sa gulat.
Hinawi niya ang buhok na humarang sa mukha niya at umayos ng tayo. Lumunok muna siya bago dahan-dahang tumango.
She has no choice. She will do everything, just that they don't experience what she experienced. Even her life, she will sacrifice it just for her sister.
When she promised her mom that she will protect her sister, she meant it. Kahit pa harapin niya si kamatayan para lang maprotektahan niya ang kapatid niya ay gagawin niya.
Buhay ni Santa sina Lea at Rian kaya hinding-hindi niya pwedeng pabayaan ito.
"Madali naman ako kausap Chrysanta. Pa pag-aralin ko lang ang mga kapatid mo ng dalawang oras at..." Agad siyang nag-angat muli ng tingin dito ng sinadya nitong bitinin ang pagsasalita niya. "Bibigyan ko ng laya ang mga kapatid mo sa gusto nilang gawin pero ikaw-" Hinigit nito ang baba niya gamit ang isang kamay dahilan para mapangiwi ang dalaga ng maramdaman ang hapdi ng hawak nito. "-Hawak na kita sa leeg, and you can't change anything."
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...