Chapter 11

42 3 0
                                    

C H A P T E R 1 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"What happened!?" bungad niyang tanong nang makarating siya sa mansyon. 

Sa katunayan ay mag lilibot pa sana sila ni Milo ngunit nakatanggap siya ng text mula sa mga kapatid niya kaya agad siyang umuwi dahil may nangyari sakanilang hindi maganda. 

"Si mom," bulong ni Lea saka tinignan siya ng nanunubig ang mga mata. 

Hindi na napigilan ni Santa na lapitan ang kapatid niya na si Lea at masuyo siyang hinila payakap sakaniya. Hindi niya na kayang pigilan ang sarili na yakapin ito dahil awang-awa na siya dito. 

"Calm down first," bulong niya saka hinagod ang buhok nito. 

"Si mom kasi..." Hindi nito matuloy ang sinasabi niya dahil mas inuna nito ang paghagulgol sa balikat ni Santa. 

Bumuntong hininga si Santa saka hinagod ang likod ng kapayit. Tinignan niya si Rian upang ipahiwatig sakaniya na siya na mag paliwanag kung ano ang nangyari. 

Bumuntong hininga ito at tumayo mula sa pagkakatayo nang naka krus ang mga braso. 

"Mom will be in home tomorrow," seryosong sabi ni Rian dahilan para mawalan nang lakas ang mga tuhod ng dalaga. 

"Ate!" sabay nilang sigaw nang hindi na napigilan ni Santa ang pagbagsak niya sa sahig. 

"Are you okay ate!?" nag-alalang tanong ni Lea saka hinawakan ang isang braso ni Santa upang alalayang tumayo. Ganu'n din ang ginawa ni Rian. 

Nakatulala lamang sa kawalan si Santa habang inalalayan siya ng mga kapatid niya papunta sa sofa. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng dalawang taon na ang nakalipas simula noong nayakap niya ang mom niya ay magkikita na sila bukas. 

"Here ate," malambing na sabi ni Rian kaya agad niyang nilingon ang kapatid. 

Halata ang sobrang pag-alala sa mata nito at may hawak ito na isang bilog na lalagyan ng gummy worms. 

"Bakit naman gummy worms 'yung binigay mo kay ate! Hindi ba dapat tubig?" inis na tanong ni Lea. 

Nagkibit-balikat lang si Rian saka nilagay sa laps niya ang gummy worms. "She was panicking earlier, so I took the gummy worms maybe it will lessen her panic attack."

At dahil doon ay napatitig si Santa sa kapatid. Hindi niya alam kung paano nalaman nito na favorite niya ang gummy worms. Madalas niya iyon kinakain kapag nakakaramdam siya ng panic. Kailangan niya pa iyon  i disguise na totoong bulate o kung ano-ano klaseng gulay upang makain niya iyon sa harapan ng dad niya o sa harapan ng ibang tao. 

Ngayon niya lang napatunayan na simula pa lamang ay sinusuway niya na ang dad niya. Ang buong akala niya ay 'yung gabing naglasing siya ay iyon ang kauna-unahang pagsuway niya sa dad niya ngunit mali siya. 

Malalim na bumuntong hininga ang dalaga saka hinawakan ang bilog na lalagyan gamit ang dalawa niyang palad. 

"I'm okay now, don't worry. I'm just surprised by what you said," usal niya saka tipid na ngumiti sa harap nila. 

But that's a lie. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakarecover sa sinabi ni Rian. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan kapag bumalik na ang mom niya. May parte sakaniya na umaayaw sa naging desisyon ng mom niya dahil sa totoo lang ay ayaw niya makita ito na inuutos-utusan lang ng dad niya, pati ang mom niya ay sakal-sakal ng dad niya. Ngunit may parte rin sakaniya na sumasang-ayon dahil gusto niya na talaga ito mayakap. Gusto niya ulit maramdaman ang isang yakap ng ina. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon