C H A P T E R 3 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang dalaga. Sa sobrang daming nangyari ay hindi na nagproseso ng maayos ang utak niya. Hindi niya na mailagay ang mga iyon sa utak niya.
"Lilyshi, look at me," malambing na sabi ni Milo. Wala sa sariling bumaba ang tingin niya kay Milo na ngayon ay nakaluhod na ang isang tuhod niya sa lapag.
"Magiging maayos din ang mga kapatid mo. Wag kang masyadong mag-isip ng mga negatibong mangyayari," sabi niya agad pinunasan ang luhang tumlo sa isang pisngi niya.
"H-Hindi k-ko m-maiwasan, Milo. Paano kung ibalita sa'atin ng mga doctor na hindi sila nakaligta-"
"Shhh. Makakaligtas ang mga kapatid mo. Malalakas sila katulad mo kaya magtiwala ka lang sakanilang dalawa at sa panginoon."
Napayuko na lang ang dalaga. Kaya sa ginawa niya ay pumatak ang masasaganang luha niya. Agad namang pinunasan iyon ni Milo habang may binubulong pa sakaniya.
Hindi niya na iyon naintindihan pa dahil paulit-ulit na bumabalik sakaniya ang alaala na natanggap niya ang isang tawag mula kay Sequoia. Binalita niya na aksidente ang dalawa niyang kapatid kasama ang yaya Tina nila.
Nahulog sila sa hagdanan sa mansyon nila. Hindi alam ni Santa kung bakit bumalik ang tatlo sa mansyon. At mas lalong hindi niya alam kung sino ang taong mapangahas na tumulak sa mga ito.
Isa lang ang taong pwedeng gumawa nito. Ang dad niya. Pero wala siyang sapat na ebidensya para sabihing ang tatay niya 'nga talaga iyon.
Puno ng frustasyon niyang sinabunutan ang sarili. "Hindi ko na alam 'yung gagawin ko."
Masuyong tinanggal nito ang kamay ni Santa na naka sabunot sa buhok niya at pinagsiklop ang kamay nila. "Sa ngayon, ang magagawa mo lang ay magdasal."
Agad siyang pumikit at mataimtim na nagdadasal. Wala silang ibang ginawa buong magdamag ay magdasal.
Ngayon niya lang napagtanto na madaling araw pala ngayon. Natanggap niya ang tawag pasado 12:30 at nakarating sila dito ng 2:30 sa tulong ng mga tao doon sa Paraiso ng pag-asa ay mabilis silang nakarating sa hospital kung saan dinala ang tatlo.
Si Sequoia ay nandoon sa mansyon nila at tumutulong sa pagiimbestiga ng mga pulis. Ang dad niya naman ay paluwas na ngayon.
Hindi niya alam kung totoong paluwas ba talaga ito o hindi. Talaga ang dad niya ang kutob niyang gumawa 'nun. Wala ng ibang gagawa 'nun kung hindi siya lang.
Hindi alam ni Santa kung ilang oras na silang maghihintay. Nakatitig lamang siya sa kawalan habang si Milo ay panay pagpapakalma sakaniya. Hindi pa rin ito tumatayo mula sa pagkakaluhod.
Mahina niyang tinapik ang ulo ni Milo na nasa hita niya. "T-Tumayo ka na d'yan. S-Sasakit t-tuhod mo-"
"I'm okay, don't worry. I'm comfortable in this position," malambing niyang sabi at hinaplos ang kamay niya gamit ang malaking hinlalaki niya.
Hindi na siya nakipag-away pa dito at sinandal na lang ang ulo sa malamig na pader habang nakatitig sa pintuan ng emergency room.
Parang kanina lang sobrang saya niya at ang puso niya ay parang naging ice-cream dahil sa mainit na pinaparamdam nilang lahat. Pero bigla na lang napalitan ang saya niya ng sobrang lungkot na para bang nasa kalungan siya at napapalibutan siya ng sobrang dilim na paligid. Kung saan man siya lumingon, tumingin ay puro dilim na ang nakikita niya.
Biglang pumasok ang imahe sa isip niya ang dalawa niyang kapatid na nakangiti. Ang mga magagandang ginawa nila sa panahon na nakakapag-usap pa sila at nakakabonding na tatlo.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...