E P I L O G U E
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Mama!"
Mabilis siyang lumingon si Santa sa pababang si Polate. Umayos siya ng tayo at malawak na ngumiti dito.
"Moma, si Polate oh!" inis na sabi ni Hansel habang mabilis na bumababa sa hagdanan kaya napangiwi siya.
Naghugas muna siya ng kamay niya bago salubungin ang dalawa niyang anak.
"Nag-aaway na naman ba kayo? " natatawa niyang tanong sa tatlo saka binuhat si Polate.
Nakangusong tumango si Polate. "Si ate Hansel kasi, inaagaw sa'akin 'yung maliit na puzzle!"
Agad namang nag pamewang si Hansel. "Nilalayo ko po sakaniya 'yung puzzle kasi Moma baka kasi ma eat niya po iyon."
Mas lalong humaba ang nguso ni Polate dahil doon. "I will not eat that puzzle naman! Hindi naman 'yun pagkain para kainin ko eh."
Napailing na lang si Santa saka inalalayan ang dalawa na makaupo sa sofa nila.
"Police, you should understand Hansel why she's trying to keep the puzzle away from you because you might eat it in an accident. So don't be mad at her, okay?" malambing niyang paliwanag habang hinahaplos ang kulot nitong buhok.
Talagang kapag nakikita niya si Polate ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pangungulila kay Milo kahit na umuuwi naman ito lagi tuwing gabi.
Nakangiting humarap siya kay Hansel at hinaplos ang malambot niyang pisngi. "At ikaw naman, wag kang agad magagalit kung ayaw ibigay sa'yo ni Polate ang puzzle okay? Make him understand why you want to take the puzzle away in a calm way, understand?"
Mabilis namang tumango si Hansel. "Okay!"
"Sorry, ate Hansel," nakangusong sabi ni Polate kaya nakangiting tumango lang si Hansel at ginulo ang kulot niyang buhok.
Bigla na namang pumasok sa isip niya ang nangyari noong pinakilala ng dalawa si Polate kay Hansel. Ang akala nila ay matuwa ito ngunit hindi. Nalungkot siya at pinagtapat niya kay Santa na nakakaramdam siya ng takot dahil baka mawala na ang atensyon ni Santa sakaniya.
Imbis na magalit ay inintindi niya na lang si Santa si Hansel dahil bata pa ito. At katulad ng lagi niyang ginagawa ay pinaliwanag niya na hindi naman siya makakalimutan ni Santa at kaya niya namang pagtuonan ng pansin ang dalawa.
"Plato! Hansel na biscuit!" malakas na sigaw ni Rian habang tumatakbo palapit sa dalawa.
At sa inaasahan ay napanguso ang dalawa dahil sa tawag sakanila ni Rian. Imbis na magalit ay malakas na natawa si Santa dahil sa mga reaksyon nila.
"Ano ba 'yan. Why do you look like ducks?" nakangiwing sabi ni Rian at pabagsak na nilatag ang likod sa sofa.
"We're not ducks!" inis na sabi ng dalawa at sabay pang nag krus ang mga braso.
"Edi ano kayo?" taas kilay na tanong nito at tinanggal ahg sapatos at nikagay sa gildi ng sofa.
"Edi tao po," nakangusong sabi ni Hansel saka kumamot sa ulo.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomantizmBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...