Chapter 49

29 3 0
                                    

C H A P T E R 4 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Ate Santa, gising na," malambing na bulong ng isang pamilyar na boses. 

Unti-unti namang binuksan ni Santa ang mata niya. Agad siyang napapikit muli nang sumalubong sakaniya ang liwanag. Inandjust niya muna ang paningin bago tuluyang dumilat. 

Biglang pumasok sa alaala niya ang nangyari kaya agad siyang napaupo sa kama at humahangos na tumingin sa taong nagsalita kanina. 

"Lea!?" hindi makapaniwalang sabi niya. 

Nakangiting tumango naman ito at gumapang papunta sa hita niya. Kumandong ito sakaniya at niyakap siya sa leeg. 

Tulalang hinaplos lamang ni Santa ang buhok nito. "Nasaan si Rian?"

"Natutulog pa po. Mamaya ko na lang po siya gigisingin pagkaalis ko dito," nakangiting sabi nito saka ilang beses na hinalikan ang buong mukha ni Santa. 

Unti-unti namang natutunaw ang puso niya habang ginagawa iyon. Pagtapos nitong halikan ang ate ay agad din ginawa iyon ni Santa. 

"I thought is real," bulong niya saka malakas na napabuga ng hangin. 

Panaginip lang pala. Ang akala niya totoong nangyari ang mga 'yun. Impossible 'nga rin palang mangyari iyon dahil iba ang ugali nang tatay niya sa panaginip na iyon. 

"Totoo po 'yun," inosenteng sabi ni Lea kaya agad siyang nagbaba ng tingin dito. 

Kumunot ang noo ni Samta at hianwi ang ilang pirasong buhok na humarang sa mukha niya. "What do you mean?" 

"Totoo po 'yung inaakala niyong panaginip lang," nakangiti niyang sabi. Dahilan para unti-unting nalaglag ang ngiti ni Santa. 

Habang tinititigan niya ang mata nito ay unti-unting kumabog ng malakas ang dibdib niya. Nanghihinang tumingin siya kay Lea. 

"T-Totoong mangyari ang mga 'yun!? 'Yung na kidnap kayong dalawa ni Rian!? Pero hindi ba sinabi mo na tulog pa siya-" 

"Opo. Tulog pa po siya kasi kayo po una kong ginising. Kailangan niyo na po kasi magising ate. Kailangan ka na po niya," makahulugang sabi nito dahilan para mas lalong nanghina ang dalaga. 

Sa hindi malamang dahilan ay sumikip bigla ang dibdib niya. Saka niya lang naintindihan lahat ng sinasabi ni Lea kaya mabikis niya itong niyakap ng mahigpit. 

"N-No. Hindi pwede, Lea. Sasama ka sa'akin. Hindi pwedeng maiiwan ka rit-" 

"Ate." Masuyo nitong tinulak si Santa at humarap sakaniya. Hinawakan nito ang mukha ni Santa gamit ang maliit na palad niya. 

"Sobrang-sobrang nagpapasalamat ako dahil ikaw ang naging ate namin ni Rian. Hindi mo kami pinabayaan and you sacrifice yourself, para lang ma protektahan kami from dad. Sa una ay hindi ko maintindihan kung bakit sobrang layo ng loob mo sa'amin. Nagalit pa 'nga ako sa'yo 'nun eh. Pero ngayon, alam ko na kung bakit mo 'yun ginagawa."

Para na ngayon pinupokpok ng walang tigil ang dibdib ng dalaga habang tinitigan ang masayang mata ni Lea. 

"Kaya sobrang nakokosensya ako ngayon kasi nagawa ko pang magalit sa'yo. Pero ang sabi niya ay natural daw iyon at ang mahalaga ay pinagsisishan ko na iyon."

Uminit ang kabilang gilid ng mata niya ng marinig iyon. Hindi niya na alam kung natutunaw ba ang puso niya o nasasaktan. 

"Kaya kahit anong mangyari. Kahit ilang buhay pa ang dumaan sa'akin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong maging ate ko," malambing niyang sabi at hinalikan ang tungkil ng ilong ni Santa. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon