Chapter 2

97 7 3
                                    

C H A P T E R 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Ano 'yung sinasabi ni Saddy na may boyfriend ka!?" tanong ni Pepper sa katabing kapatid habang nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin dito. 

Malakas na bumuntong hininga si Poppy at umayos ng upo saka tinignan si Santa. 

"Help me," bulong nito at pinagdikit ang mga palad niya. Kinurap pa nito ang dalawang mata na para bang nagpapaawa. 

Malalim na bumuntong hininga ang dalaga at pinag krus ang mga braso at sumandal sa may binata. "I don't wanna help you so, admit It already." 

"Huli ka na saakto Piy, kaya aminin mo na lang," nakamewang na turan nito. 

Bumuntong hininga muli si Poppy saka umayo ng upo. Yumuko ito at pinaglaruan ang sariling daliri. Habang sila Santa at Pipper naman ay nakatingin lamang sakaniya, naghihintay ng sagot. Ganu'n din si Saddy na nag mamaneho pero pa sulyap-sulyap sa rear mirror. 

"I-I have s-secret b-boyfrien-" 

"Then why did you not tell me!?" 

"Kasi 'nga secret!" 

Napakamot na lamang sa batok si Pepper. "Sabi ko 'nga pero ano ako sa'yo!?" 

Takang napakamot ang dalaga. "K-Kapatid?" 

Tumaas ang kilay ni Pepper. "Bakit hindi ka pa sigurado!?" 

"Kasi ang panget mo tapos sobrang ganda ko," nakangising sagot ni Poppy ngunit agad nawala ang ngisi niya ng malakas siyang binatukan ni Pepper. 

 "Seryoso kaya 'yung pinag-uusapan na'tin dit-" 

"Hindi ka sure."

Akmang kukunin ni Pepper ang plastic bottle na nasa gilid niya ng agad naagaw iyon ni Poppy at diretsyong tinungga iyon. 

"May pupuntahan ka pa ba bago umuwi Santa?" tanong nito habang nakatingin sakaniya sa rear mirror. 

Tumango siya. "In my favorite library." 

Agad siyang nag-iwas ng tingin kay Saddy ng kinindatan siya nito. "Gotcha." 

"Ako ba ginago niyong lahat!?" inis na sigaw ni Pepper. 

Sabay-sabay silang nagkibit balikat at tinignan si Pepper. "Ganu'n na 'nga." 

Agad nilang tinutok ang mga pansin sa kaniya-kaniya nilang ginagawa ng makitang kumuha na naman si Pepper ng plastic bottle sa tabi niya. Saan niya ba nakukuha ang mga plastic bottle na lagi niyang pinangbabato? 

"Hey, pansinin niyo kaya ako! May pinag-uusapan pa tayo tungkol sa secret boyfriend ni Piy!" nanggagalaiti na sigaw nito habang nagpapadyak pa. 

"Bukas na lang na'tin 'yan pag-usapan, kailangan pa natin ihatid is Santa sa favorite niyang library." 

"Eh paano siya uuwi!?" takang tanong ni Poppy. 

"Walk," tipid niyang sagot. 

"What!?" sabay nilang sabi. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon