C H A P T E R 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Nagtuloy-tuloy lang ang away ng dalawa sa kotse kaya mas pinili na lang ni Santa na bumaba sa kotse. May ibabalik din pala siyang libro sa library dahil gusto niya na rin mabawasan ang laman ng bag niya.
"Oh, nandito ka na naman iha?" nakangiting tanong ng matandang nagbabantay sa library at nilahad sakaniya ang log book.
Agad na ginantihan ni Santa ang matanda ng isang mainit na ngiti. "Halos araw-araw naman po ako nandito, hindi na kayo nasanay?"
Mahianang tumawa ang matanda dahil sa tinuran ni Santa. "Halos dito ka na 'nga tumira."
Nginitian niya lang ito muli at nilista na ang pangalan niya sa logbook habang ang matanda naman ay sinusuri ang mga librong nilapag niya.
"Alam mo na siguro ang gagawan dito d'ba?" nakangiting tanong nito at inabot na ang mga libro sakaniya. Agad na binigay ni Santa sa matanda ang logbook at umayos ng tayo saka nilagay sa harapan ng matanda ang bag niya na may laman pang damit at ibang pang bagay.
"Pakibantayan po muna nito," nakangiting sabi niya saka binuhat na ang anim na makakapal na libro.
"Hindi ka manantili dito?" gulat na tanong nito. Mahinang natawa ang dalaga dahil sa naging reaksyon nito.
Umiling ang dalaga at inayos ang pagkakabuhat ng mga libro. "A-Alis din po ako agad, gusto ko po muna magpahinga."
"Aba magandang ideya 'yan, sa wakas ay nagdesisyon kang magpahinga muna," nakangiting sabi nito habang tumango-tango pa.
"I'll go na po," magalang na sabi niya at agad na tinalikuran ang matanda dahil nararamdaman niya ang panginginig ng mga braso niya dahil sa bigat nang mga libro.
Laking pasasalamat niya at sa i-isang section lang ang mga librong kinuha niya kaya hindi nya na kailangan pang maglakad ng malayo. Ngunit wala pa siya sa paparoonan ng biglang nanlabo ang paningin niya kaya marahas niyang pinilig ang ulo. Ngunit hindi iyon gumana kaya tumigil muna siya sa paglalakad at inaadjust ang paningin niya.
Shit, I shouldn't drink alcohol.
Nakahinga siya ng maluwag ng naging malinaw muli ang paningin niya. Bumuntong hininga muna siya bago maglakad. At sa hindi inaasahan ay biglang tumupi ang isa niyang paa kaya pumikit siya at hinanda ang sarili na bumagsak sa lupa.
Agad siyang napangiwi ng mapahiga siya sa malamig na semento. Napanguso na lang siya dahil ang tanga niya sa parte na may inaasahan siyang makikisig na braso ang pupulupot sa bewang niya at sasaluhin siya. Yeah, I'm dumb.
"Hala miss nababaliw ka na ba?" tanong ng isang pamilyar na boses kaya agad siyang napadilat.
Agad niyang inadjust ang paningin ng manlabo na naman ang panngin niya. Unti-unting namilog ang mga mata niya ng makita ang sobrang pamilyar na mukha. Kasabay ng pag-awang ng bibig niya ay biglang umusbong ang kakaibang pagkabog ng malakas ng dibdib niya.
"Lilyshin!?"
"Mr, bulalo!?"
Sabay pa nilang tanong sa isa't-isa. Binitawan muna ng dalaga ang mga librong naka patong sakaniya saka tinuod ang braso upang suportahan ang sarili na makaupo.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...