Chapter 21

40 3 0
                                    

C H A P T E R 2 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Gusto naman namin makita na marunong ka nang ngumiti, Santa. Pero wag naman ganito," nawawalan ng pag-asa na sabi ni Pepper sa kalagitnaan ng byahe nila papunta sa iskwelahan. 

Kunot-noong nag-angat ng tingin ang dalaga. "What's wrong?" 

Ang kaninang malungkot na mukha nito ay mas lalong lumungkot dahil sa tinanong niya. May mali ba sa sinabi niya? 

"Simula kasi noong nagpatulong ka sa'amin at nakasama mo lang si m.u boy at mga kapatid mo, minu-minuto lagi kang nakangiti habang nakayuko," nakangiwing sabi niya at niyakap ang sarili na para bang kinikalibutan siya.

"Sure ka bang walang ginawa 'yung m.u boy sa'yo!?" Hinawakan ni Poppy ang magkabila niyang balikat at bahagyang niyugyog. "Magsalita ka Santa. Huwag kang matakot, nandi-" 

Mahinang natawa ang dalaga. "Calm down okay? Wala ginawang masama si Milo sa'akin." 

Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at dahan-dahang nilagay sa hita niya at umayos na ng upo. Nilabas niya ang phone niya at nagsalamin doon. Kailangan maging maayos siya sa harap ni Milo. Hindi siya pwedeng mag mukhang palaboy at parang kinalakad ng isang daang manok. 

"Gan'yan ba talaga kapag in love ka!?" nakangiwing tanong ni Pepper habang pinapanood na mag-ayos si Santa. 

Nakangising tumango naman si Poppy at pinagsiklop ang sariling kamay at sinandal iyon sa dibdib niya. 

"I can still remember how I acted when I met my boyfriend, Sander," she dreamy said. Her eyes are sparkling. 

"Oh, god. Wag mo nang ikwento 'yan Poppy, walang may pake sa'amin kung pano ka kumilos noon at ngayon," kinakilibutan na sabi ni Pepper at agad sinuksok ang earphone sa magkabilang tenga. May binulong pa ito ngunit hindi niya na matukoy kung ano iyon.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nakalibot silang dalawa kasama ang mga kapatid niya. And that was one of the days he had been happy so far.

Sa totoo lang ay sa araw na iyon ay pansamantalang lumabas ang totoong Chrysanta Lily Forrest na kahit siya ay hindi niya pa nakikita. Sobrang gaan ng loob niya sa tuwing binabalik-balikan niya sa alaala niya ang araw na iyon. Sana lang talaga ay maulit iyon. Pero sa oras na maulit iyon ay hinihiling niya na sana hindi na pansamantala na gagaan ang loob niya. At sana ang araw na iyon ay wala na siyang bukas na problemang alalahanin. 

At pagkatapos 'nga 'nung pangyayaring 'yun ay lagi nang naka-abang si Milo lagi sa may parking lot upang abangan siya at sabay na sila pumupunta sa library at kung saan man siya pumunta. 

Para na siyang nagiging aso na laging sunod ng sunod sa amo niya. Para bang hindi ito mabubuhay kapag wala sa tabi niya ang amo niya. 

"Nandito na po tayo mga señyora," nakangising sabi ni Saddy at binaba ang invisible hat nito at nag bow. 

Mahinang natawa ang dalaga at ginulo ang buhok ni Saddy. 

"See you later," she softly said. 

At saktong pagbaba niya ay may biglang humablot sa hawak niyang limang makakapal na libro. Ang buong akala niya ay magnanakaw na iyon ngunit si Milo lang pala. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon