C H A P T E R 3 6
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Maligayang pagdating sa Paraiso ng pag-asa!" malakas na sigaw ng mga taong sumalubong sakanila.
Hindi magkandahumayaw ang dalaga kakangiti sa bawat taong nadadaanan nila. Hindi niya na kayang itago pa ang sayang nararamdaman. Sobrang natutunaw ang puso niya habang nakikita ang mga taong nakangiti sakaniya.
Kung sakaling ginawa niya ang ganitong party sa Sta. Forrest ay baka walang pupunta. Dahil ang mga tao doon ay mga matopbre, hindi niya nilalahat pero karamihan doon ay umasta na akala mo sila ang nakakataas.
Hindi niya maiwasang pagkumaparahin ang Sta. Forrest at Paraiso ng pag-asa. Masayahin at pantay-pantay ang pagtingin ng mga bawat tao sa Paraiso ng pag- asa. Habang ang Sta. Forrest naman ay pantay-pantay din naman sila ng antas ng pamumuhay, mayaman. Pero ang turingan doon ay parang kaaway.
Pero kung sa pagandahan ang kopetensya ay parehas lang ang dalwang lugar na iyon.
"Maraming-maraming salamat sa mainit na pagsalubong. Sobrang kinagagalak ko muli kayong makita," nakangiting sabi ni Milo at malakas na pumalakpak. Mahinang natawa si Santa at napailing na lang ng sabay-sabay silang lahat ng palakpakan.
"Ang binalita kasi sa'amin ni Peanut ay babalik ka na ulit dito pero hanggang isang buwan lang, tama ba ako?" nakangiting tanong ng lalaking naka suot ng mala kapeng kulay na shirt at naka pantalon na halatang ginupit sa bandang ibaba ng tuhod.
Nakangiting tumango naman si Milo. "Opo. Sayang lang at hindi ako magtatagal dito."
"Sayang 'nga dahil miss na miss na namin ang isang maalaga, masipag, at mapagmahal na si Milo," nakangiting sabi ng isang ginang.
Sinapo naman ni Milo ang dibdib niya. "Nakakataba naman po kayo ng puso."
"At sino naman itong magandang dilag na nasa tabi mo, iho?" nakangiting tanong ng matandang babae habang nakatitig sakaniya.
Agad niya naman itong nilingon at ngumiti pabalik dito ng malawak na halos mapunit na ang labi niya. Kinain niya ang kahihiyan niya at agad nag bow sa harapan nila. Hindi niya alam kung ganito ba ang tamang pagpapakilala sakanila.
"My name is- este ako 'nga po pala si Chrysanta Lily Forrest. You can- este pwede niyo po akong tawaging Santa," nakangiting sabi niya at kumamot sa ulo at agad nag-angat ng tingin kay Milo.
"Pasensya ka na. Mukhang nahihirapan ka pang magsalita ng puromg tagalo-"
"No, I don't mind. Medyo sanay na ako mag tagalog, don't worry," sabi niya saka tinapik ang balikat nito. Balak niya sanang tapikin ito sa ulo niya pero hindi niya abot.
"Magkasintahan po ba kayo ni kuya Milo?"
Agad siyang nagbaba ng tingin sa batang lalaki na nagsalita. Nakangiting umiling siya habang winawagayway ng sabay ang kamay niya na shoulder level lang.
"Hindi pa-"
"Sa susunod, ipapakilala ko siya bilang kasintahan ko. Sa ngayon ay nagkakamabutihan pa lang kami," nakangiting pagpapatuloy ni Milo at ginulo ang buhok niya kaya hindi niya maiwasang mapanguso.
Bigla namang nagsimulang magkatyawan ang mga tao doon kaya hindi niya na maitago ng pamumula ng buong mukha niya.
"Ang bagal mo namang kumilos, pareng Pomilo. Kung babagalan mo pa naku, ako na mauuna d'yan sa magandang dilag na manligaw," nakangising sabi ng isang lalaki.
"Nagkakamabutihan pa lang kayo? Kung ako lang ikaw ay baka magkasintahan na ka-"
"Hinding-hindi ka magiging ako, Apollo. At nakakasigurado ba kayo na papayagan niya kayo na ligawan siya?" nakangising sabi niya pero may kaseryosohan sa boses niya kaya agad hinawakan ni Santa nag braso nito.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomansBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...