Chapter 19

37 3 0
                                    

C H A P T E R 1 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"What the heck!?" hindi makapaniwalang sigaw ni Santa nang makitang magma-madaling araw na naman. 

Napasabunot na lang siya sariling buhok dahil sa nararamdamang pagka-frustasyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang sinabi kanina sakaniya ni Milo. 

Muntik pa 'nga siyang umiyak sa harapan nito, kung hindi lang dumating ang kambal niyang pinsan. 

Hinayaan niyang bumagsak ang ulo sa study table niya, dahilan para mag-sanhi iyon ng malakas na tunog. Wala namang makakarinig 'nun kaya hindi na siya nag-alala pa. 

Gusto man niya sundin ang sinabi sakaniya ni Milo ay nag-aalangan pa rin siya. Hindi na iyon matatanggal sa puso niya hangga't nand'yan pa sa paligid ang tatay niya. 

Malakas na bumuntong hininga ang dalaga at akmang pipikit na nang marinig niya na kumakatok ng paulit-ulit sa pintuan niya. 

Sino naman 'yun? 

Imposibleng dad niya iyon dahil biglaan na lang 'yun papasok sa kwarto niya ng walang sabi. 

Kunot-noo niyang binuksan ang pintuan. Agad siyang tumingin sa baba ng makitang wala siyang makita ng nakatungo siya. 

"What are you two doing here?" tanong niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang kapatid.

Napansin niya na nanginginig ang katawan ng dalawa kaya mabilis siyang lumuhod upang magkapantay sila at hinawakan ang balikat nila. 

"Why are you trembling? Tell me," she worriedly said. 

Lumunok muna si Rian bago magsalita. "A-Ate m-may n-napaginipan k-kami." 

"Pumasok muna kayo," seryosong sabi niya at inalalayan ang dalawa upang maka-upo sa kama niya. 

Nilock niya muna ang pintuan saka inabot ang remote ng aircon upang hinaan ang aircon. Baka mas lalong manginig ang mga kapatid niya. 

Umupo siya swivel chair niya at sinipa ang paa ng study table niya upang gumulong ang upuan niya papunta sa harapan ng kapatid niya. 

"Explain," she softly said. Hinawakan niya ang kamay ng dalawa na sobrang lamig na ngayon. 

"M-Malalaglag ka r-raw p-po sa h-hagdanan k-kasama s-si m-mom," panimula ni Lea, puno ng takot ang boses nito. 

"A-And t-then you and m-mom will b-be d-dead in a rival in h-hospital," paos na sabi ni Rian. Halatang nagpipigil ito ng hagulgol kaya hinaplos ni Santa ang pisngi niya. 

"You can cry Rian, you don't have to hide your true emotions," she softly said while caressing her cheeks.

Hindi na nito napigilan ang malakas na paghagulgol. Agad na niyakap ni Santa ang dalawang kapatid nasobrang lakas ng umiiyak. Hinalikan niya ang ulo nang dalawa nang paulit-ulit. 

Habang patuloy ang pagpapatahan niya dito ay hindi niya na rin maiwasan na maluha. Hindi dahil sa kwinento nila, kung hindi sa pag-iyak nila. Punong-puno iyon ng sakit at takot. Bakit kailangan pa nilang mapaginipan ang ganu'ng bagay!? Bakit sila pa!? 

Maraming bakit sa utak ngayon ni Santa, ngunit ni isa doon ay wala siyang mahanap na sagot. At walang sasagot 'nun. 

Nang maramdaman niya na tumigil na ang dalawa sa malakas na pag-iyak, masuyo niyang hiniwalay ang katawan ng dalawang kapatid at mabilis na kumuha ng water bottle na nasa mini fridge niya at pina-inom ang dalawa. 

"Are you okay now?" she asked. 

Sabay silang nag buntong-hininga. "Hindi namin alam, ate."

Si Santa naman ngayon ang bumuntong-hininga. Hinawakan niya ang kamay nila dahilan para mag-angat sila ng tingin. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon