C H A P T E R 9
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Ahm..."
Agad napalingon ang dalaga sa katabi niya ng magsalita ito. Ngayon ay nasa labas na sila ng library. Ilang oras din ang tinagal nila doon dahil nahirapan sila na hanapin ang tamang mga section na dapat kalagyan ng mga bawat libro.
"May sasabihin ka ba?" malumanay na tanong ng dalaga saka inayos ang backpack na dala.
"May klase ka pa ba?" kamot-batok nitong tanong na para bang nahihiya. Napalabi ang dalaga upang pigilan niya ang sarili sa mahinang pagtawa dahil baka mas lalong mahiya si Milo kung marinig niya ang mahinang tawa niya.
Tumango siya at tumingin sa pangbisig niyang relo. "I have."
"Sige hintayin na lang kita dito," sabi nito at agad na umupo sa may gilid.
Agad naman na kumunot ang noo ng dalaga saka siya hinarap. Tumingala naman sakaniya si Milo dahilan para magtama ang paningin nilang dalawa. Mahigpit na napakapit si Santa sa strap ng bag niya ng maramdaman na unti-unting nanginginig ang mga tuhod niya dahil sa paraan ng titig nito.
Para siya nitong hinihigop ng paunti-unti at para siyang tinatanggalan nito ng lakas. Damn those tantalizing eyes.
"Anong oras ba ang klase mo?" mababang boses nitong sabi. Hindi pa rin iniiwas ang mga tingin nito sakaniya kaya hindi niya rin maiwas ang mga tingin niya dito.
"2:30 pm," mahina niyang sagot at lumunok. Nanunuyo na nag lalamunan niya dahil sa mga titig nito.
What the heck is happening to me? Is just a simple stare but damn, binubulabog niya 'yung buong sistema niya! This is the first time she's acting like this whenever someone's staring at her intently.
"2:35 na,"
Bumalik lahat ng lakas niya dahil sa narinig. Agad siyang napatayo ng maayos at tumikhim upang bumalik lahat ng laway niya na nawala.
"Ihatid na kita," sabi niya at tumayo saka pinagpag ang damit. Hindi iyon patanong kaya kumunot ang noo ng dalaga.
"Are you sure?" naniniguradong tanong niya habang titig na titig sa gwapong mukha ng binata.
The heck, she can't take her eyes over him. Yeah, she's now crazy. Hindi niya alam kung ano ba ang nararamdaman niya pero may parte sakaniya na nagu-gustuhan niya ang nararamdaman niya ngunit may parte rin sakaniya na nalilto siya dahil sa nararamdaman.
She will search in google later.
"Mukha bang hindi ako sure?" hindi makapaniwalang tanong niya saka nilagay ang likod ng palad niya sa baba niya. "Itong mukhang 'to sure kang nagbibiro ako?"
Napanguso na lang ang dalaga dahil sa sarkastikong pagsagot sakaniya ng binata. "I didn't say kaya na you're joking."
"Alam mo tara na lang kasi baka ma late ka na."
Hindi na siya nito pinagsalita pa at agad na hinila na siya sa pulsuhan. Nang tignan niya ang pangbisig na relo, mas lalong nanlaki ang mata ng dalaga ng makitang dalawang minuto na lang ang natitira bago magsimula ang klase kaya mabilis na nilipat ng dalaga ang kamay nito sa pulsuhan ng binata at inunahan siya sa paktakbo.
Agad niyang nabitawan ang binata ng makarating na sila sa floor ng room nila. Hinawakan niya ang magkabila niyang tuhod upang doon kumuha ng lakas na nawala.
Naramdaman niya na may mainit na palad ang lumapat sa likuran niya at tinaas-baba niya pa ito, dahilan para may maramdaman na naman itong kakaibang kuryente na bumalatay sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...