C H A P T E R 3 1
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Ngayon ay papunta na sila sa school nila Rian. Hindi niya alam kung balit kumakabog ng malakas ang puso niya sa kaba.
"Calm down," mahinang bulong niya sa sarili habang tinapapik-tapik ang sariling daliri.
Humugot aiya nang malalim na hangin mula sa dibdib niya at hinawi ang ilang pirasong buhok na humarang sa mukha niya.
Agad siyang napatigil sa pagpapakalma sa sarili nang tumunog ang phone niya. Agad niya namang kinuha iyon at tinignan kung sino ang nag text.
Dad: Nabalitaan ko na uuwi si Pomilo sa probinsya nila. Gumawa ka ng paraan para mapasama ka doon. Gawin mo ang lahat para sa oras na iniwan mo siya ay lumuhod siya sa harapan mo at magmamakaawa sa'yo.
Nanginginig na ang buong kamay niya habang binabasa niya iyon. Halos masira na ang phone dahil sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya dito. Agad niyang hinagis ito sa tabi niya at hinilot ang sariling sentido.
"What's wrong, Santa?" nag-aalalang tanong nito habang palipat-lipat ang tingin sa rear mirror at sa harapan.
Malalim siyang napabuntong hininga saka tinignan si Saddy. "Stop the car."
Kahit na nagtataka ito ay tinigil niya pa rin ang kotse saka lumabas nang kotse at tumabi sakaniya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya saka nag-aalalang sinuri siya.
"Are you okay?"
Nanghihinang umiling siya saka umayos nang upo. "I'm not." Nagsusumamong tumingin siya kay Saddy.
"Saddy..."
"What!?" nag-aalang tanong nito at hinaplos ang buhok niya. Kahit sa simpleng ginawa niyang iyon ay medyo kumalma siya.
Malalim siyang bumuntong hininga. "What should I do?"
Nanlabo ang paningin niya kaya kumurap siya. At sa hindi inaasahan ay pumatak na ang luhang kanina niya pa tinatago.
Agad siyang hinila ni Saddy upang yakapin siya nang mahigpit. Agad niyang sinandal ang ulo sa balikat nito at pumikit. Hinayaan niya lang na pumatak lahat ng luha niya nang walang boses. Pinigilan niyang humagulgol dahil ayaw mamaos lang siya pagtapos.
"Soon, everything will be alright," he softly said while caressing her hair.
"Kailan pa 'yung soon? I wish makarating na ako kaagad sa soon," nanghihinang bulong niya sa mariin na pumikit.
Bakit soon pa kung pwede naman ngayon na? Pero impossible 'yun.
"You should take it slowly, Santa. We can't rush things because It might turn out a mistake. A big mistake."
Binagsak niya ang balikat niya. "Yeah, you're right."
May point si Saddy dahil kapag minadali nila ang mga bagay-bagay ay mauuwi sa isang malaki na pagkakamali.
Ngayon ay naiisip niya na bigla na lang saksakin ang dad niya upang matapos na ang lahat. Ngunit katulad nang sinabi ni Saddy ay mauuwi iyon sa malaking pagkakamali.
Hindi sapat ang kamatayan para sa dad niya.
Tinapik-tapik nito ang likuran ni Santa. "Let's go. Kailangan na nating pumunta sa school ng kapatid mo."
Akmang hihiwalay na ito sakaniya nang agad siyang umiling.
"Hindi na. Hindi na pwede Saddy," mapait niyang sabi kaya kumunot ano noo nito.
"Nalaman ba nang dad mo!?"
Agad siyang umiling at malalim na bumuntong hininga. Kapag kasi inutusan siya nang dad niya ay siguradong papanoorin na ulit siya nito at sisiguraduhing nalalaman nito ang mga galaw niya.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...