Chapter 44

25 3 0
                                    

C H A P T E R 4 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Unti-unting binuksan ni Santa ang mga mata niya ng maramdaman na may pumapatak na tubig sa kamay niya. 

Inadjust niya muna ang paningin niya ng masilaw siya sa liwanag na nanggaling sa itaas. Nang maayos na ang paningin niya agad niyang nilibot ang paningin niya kung nasaan man siya. 

Agad siyang ngumiwi ng mapagtantong nasa hospital siya. Medyo naalala niya ang kwartong kung nasaan man siya dahil dito siya dati dinala noong nagkasakit siya noong bata siya. 

Dahan-dahan siyang tumingin sa gilid niya ng may naramdamang may pumatak na tubig na naman sa kamay niya. 

"C-Calamansi..."

Mabilis pa sa alas-kwatrong nag-angat ng tingin si Milo ng ulo. Nanlalaking mata siyang tumayo at dahan-dahang hinawakan ang magkabila niyang pisngi. 

"Sa wakas! nagising ka na, Lilyshi!" naiiyak na sabi niya at dahan-dahan siyang niyakap. 

Akmang yayakapin niya na rin ito pabalik ng bigla niyang naramdaman na kumirot ang likuran niya. Kaya mas pinili niya na lang ibaba ang braso niya at tinapik-tapik ito. 

Tumawag ito ng doctor saka may pinindot sa gilid ng kama niya na kung ano dahilan para unti-unti siyang maupo sa kama. Dumating na ang mga doctor at nagpaliwanag ng kung ano-ano pagkatapos siyang i check. 

Marami pang sinasabi ng doctor pero tanging si Milo lang ang nakaintindi 'nun dahil si Santa ay titig na titig kay Milo habang tumatango ito sa doctor. 

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maiwasan na tanungin ang panginoon kung bakit binigyan siya ng isang maalaga at mapagmahal na Pomilo Rozen? 

"Lemon, natutunaw na ko," natatawang sabi niya at inabot sakaniya ang basong tubig. 

Napanguso na lang si Santa at tinanggap ang basong tubig. Medyo yumuko siya nang ibigay niya kay Milo ang basong tubig dahil naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya. 

Why does he have to be so attractive in Santa's eyes? She can't take off her eyes to his well-formed face.

"Lilyshi," she softly said and held her chin. 

Nang magtama ang mga mata nila ay may kung anong dumabog sa loob ng t'yan niya, kasabay 'yun ang malakas na kabog ng puso niya. Humugot ng malalim na hangin si Santa saka malawak na nginitian si Milo. 

"Yes? My Milo?" 

Pero agad nalang nalaglag ang ngiti ni Santa ng makitang may pumatak na luha sa kaliwang pisngi ni Milo. Kahit na nahihirapan ay buong lakas niyang tinaas ang braso niya at mabilis na pinunasan iyon. 

Dahil 'nga humapdi na ang likuran niya ay agad niyang sinandal ang kamay niya sa balikat nito. 

"Why are you crying?" nag-aalalang tanong niya. Imbis na sagutin ang tanong niya ay mas lalong humagulgol ito ng malakas. 

Gusto man niya haplusin ang pisngi ng kasintahan at suklayin ang kulot nitong buhok niya ay hindi niya magawa. Mananakit lang mismo ang likod niya kung gagawin man niya 'yun. 

"Stop crying... Hindi kita mapatahan ngayon," nakanguso niyang sabi. 

Napangwi siya ng malawak ng mas lalong lumakas ang paghagulgol nito. Dahil 'nga hindi niya mayakap si Santa ay sinandal niya na lang ang ulo sa t'yan ng dalaga. 

Hinayaan na lang ng dalaga na humagulgol ito sa t'yan niya habang mahina niyang tinatapik ang balikat ng binata at paminsan-minsan ay hinahagod iyon. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon