Chapter 52

30 3 1
                                    

C H A P T E R 5 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"D'ba CEO na siya ng kompanya? Why did she need to be a gardener here?" inis na tanong ni Santa habang pinapanood si Milo na nagbubunot ng mga prutas galing sa mga puno. 

Mas lalong napangiwi ang dalaga ng makitang sobrang lawak ng ngiti nito habang nagpipitas. Parang sobrang saya niya na pa na nag tra-trabaho siya bilang hardinero kaysa nakaupo sa swivel chair at nagpipirma ng mga papeles.

"Because he wants to be a gardener than to be a CEO," natatawang sagot ni Happy at humigop ng kape. 

Malakas na napabuga ng hangin si Santa saka matalim na umirap ng bigla siyang tignan ni Milo. Bago pa magtagal ang titigan nilang dalawa ay si Santa na mismo ang tumalikod at tuluyang pumasok sa kwarto niya. 

Agad naman siyang sinundan ni Happy at umupo sa tabi ni Hansel na natutulog. 

"Sino ba talaga ang tatay nito, Santa?" seryosong tanong nito dahilan para mapatitig si Santa kay Happy. 

Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoo dito o huwag muna. Sa ngayon hindi niya kaya, hindi niya pa kayang pag-usapan ang nangyari kay Hazel at sino ang tatay ni Hansel.

"Sorry, Kuya Happy. Hindi ngayon ang tamang panahon para pag-usapan natin ang bagay na 'yun," nakalabi niyang sabi dahilan para mapabuntong hininga ito. 

Hinawi nito ang pirasong buhok na humarang sa mukha ni Hansel at inipit ito sa likurang tenga niya. 

"Just tell me if you're ready." 

Nakangting tumango si Santa. "I will."

Ilang minutong walang nagsalita sa pagitan nila kaya napangiwi si Santa. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya naman alam kung ano ang sasabihin. 

"You're dad is still in a coma," panimula nito dahilan para mapatitig muli si Santa sakaniya. 

Parang ngayon niya na lang ulit narinig ang tungkol sa dad niya. Kaya ngayon ay hindi niya alam kung ano ba ang tamang mararamdaman niya. Maging masaya ba dahil sa wakas wala na ang laging komokontrol sakaniya. O maging malungkot dahil naka coma pa rin ito hanggang ngayon. 

"You don't have to force yourself to be sad just because your dad is still in a coma. Just let your emotion decide what will you feel about your dad," makahulugang sabi nito. 

May kung anong humamplos sa puso niya dahil doon. Ngayon naliwanagan na ang utak niya na dapat hindi niya pinipilit ang sarili na maramdaman ang bagay na dapat niyang maramdaman doon sa pangyayari. 

Nakangiting tumango siya kay Happy. "Thanks for your advice."

Malawak siyang nginitian ni Happy. "Welcome." 

Umayos siya ng tayo saak tumikhim. "K-Kamusta p-po si S-Savannah?" 

Malalim itong bumuntong hininga. "Hindi pa siya gumagaling."

May kung anong kumurot sa puso ng dalaga pero hindi niya na iyon pinansin pa. "How about Tina?" 

Umiling ito. "There's no progress at her also."

Malalim siyang napa buntong hininga ng maramdamang sumakit na naman ang dibdib niya. Pero wala na siyang nararamdaman na pangamba dahil alam niyang nakakulong na ang dalawa. 

"Napatawad mo na ba silang dalawa?" 

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip ng marinig ang tanong na iyon. Sa katunayan ay hindi niya alam kung tuluyan niya na ba talagang napatawad ang dalawa. Dahil hanggang ngayon ay may galit pa rin ang puso niya. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon