Chapter 47

27 4 0
                                    

C H A P T E R 4 7
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Hanggang ngayon ay hindi alam ni Santa kung ano ang iaakto niya sa harap ni Saddy. 

Ang gabing pumunta siya sa kwarto ni Santa at pagkatapos niyang ipaliwanag ang lahat ay hindi na napigilan pa ni Santa ang pagiging emosyonal. 

Ang tanging nasabi niya lang 'nun ay hiwalay na sila ni Milo. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil sobrang lakas ng hagulgol niya. To the point na nawalan na siya ng boses at nanghina. 

Ngayon ay kalaro niya ang dalawa. Hindi naman naalala ng dalawa ang tunay na nangyari noong aksidente kaya sobrang lapit pa rin nila sa kuya Saddy nila. 

Pero hindi niya maiwasan na sa tuwing tumititig siya sa tatlo ay hinihiling niya na sana si Milo na lang iyon. Alam niyang sobrang unfair 'nun kung malalaman ni Saddy na hinihiling ni Santa na sana si Milo na lang ang kasama ng dalawa niyang kapatid ngayon. 

Sa totoo lang ay hirap na hirap kumilos ngayon ang dalaga. Wala talaga siyang gana ngayon na gumising pa. Gusto niya lang matulog buong araw upang makalimot siya kay Milo. 

Ngunit bigla na lang siyang sinigawan ni Saddy na walang mangyayari kung matutulog lang siya buong araw. At higit sa lahat ay kahit ano pa raw ang gawin ko para makalimutan si Milo ay hinding-hindi mangyayari iyon. 

"Ate!" tawag ni Lea mula sa malayo kaya agad siyang nabalik sa reyalidad. 

Napakurap siya ng ilang beses ng bigla itong yumakap sa leeg niya ng mahigpit. Kita niya na tumatakbo rin palapit sakaniya si Rian kaya binuka niya ang isang braso niya. At sa inaasahan ay yayakapin din siya nito ng mahigpit. 

Nang tignan niya si Saddy ay malawak lang siya nitong nginitian. 

"You will be fine. Soon," he mouthed. 

Mapait siyang ngumiti at tumango. Naramdaman niya ang pagsikip na naman ng dibdib niya at pag-init ng magkabilang gilid ng mata niya. Malalim siyang bumuntong hininga upang pigilan ang sarili sa pag-iyak sa harapan ng kapatid niya.

Nanghihinang dinukdok ni Santa ang ulo niya sa dalawang balikat ng kapatid niya saka niyakap sila ng mahigpit. 

"Thank you for hugging me," bulong niya. Sinigurado niyang hindi iyon maririnig ng dalawa dahil baka magtaka pa sila. 

Sa ngayon ay sapat na ang yakap ng dalawa niyang kapatid para pagaanin pansamantala ang puso niya. 

Unti-unti niyang napapagtanto na kahit ano pilit niyang kalimutan si Milo at magtanim ng galit sa puso niya ay hindi niya magawa. Marami pa rin siyang iniwan na aral at masayang alaala sa dalaga. 

Hinding-hindi niya magagawang magtanim ng galit kay Milo dahil sobrang daming nagawa sakaniya ni Milo. At isa pa ay sigurado siyang may malalim na rason si Milo kung bakit siya nakipag break sakaniya. 

Hindi gagawa si Milo nang isang bagay kung walang sobrang mahalaga na dahilan. 

"Ate, okay lang po ba kayo? May masakit po sainyo?" nag-aalalang tanong ni Lea saka umupo sa hita niya. 

Agad naman siyang tumango kaya mas lalo itong nag-alala. "Saan po!?" 

Agad na tinuro ni Santa ang puso niya. "Here. It hurts like hell." 

Agad na pinindot-pindot ni Lea ang didbib niya kung nasaan ang puso. Saka siya inosenteng tinignan. "Masakit pa po ba?"

Mas lalong sumikip ang dibdib ng dalaga habang tinititigan ang mata ni Lea na puno ng pag-aalala. "It still hurts."

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon