Freed Heartaches
Chapter 41: Mrs. Demetriou"Hoy, loka! Approved na yung design! Pwede na tayong mag-celebrate bago pa mag-start ang site visit!" Nakangising nilapag ni Cleo ang hawak na portfolio at laptop sa table niya.
"Buti naman, dalawang beses yun pina-revise at sasabog na ulo ko sa kakaisip kung hindi pa tatanggapin," pag-sang ayon ko sa sinabi niya.
"O, ano? Sumama ka mamaya ha?" Paninigurado niya.
Tumango ako.
"Saya talaga 'pag nandito yang si Luna, may pag-iiwanan ka kay Dorothy kahit hanggang anong oras," aniya.
Luna takes care of Dorothy whenever she's here to visit, may nanny naman si Dorothy pero limited time lang. Usually tumatagal siya ng isang buwan at lagi yon tuwing summer break niya. She's in college now and I heard na inalok pa ni lola na dito na rin siya mag-aral para may kasama ako pero laging tumatanggi. Nasa Pilipinas raw kasi ang buhay niya, naroon ang mga kaibigan niya at ayaw na raw niyang mahirapan mag-adjust.
Matapos kong maibigay ang resignation ko sa La Taverna, dumiretso ako kina Romie. Noong una ay hindi siya natuwa sa plano nina Mama at Papa pero sinuportahan pa rin ako. Tinanong niya rin ako kung papaano na kami ni Archaelus.
Wala akong maisagot kasi hindi ko rin alam. Wala pa akong nakukuhang reply mula sa kanya kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bago pa ako makabalik ng probinsiya, binalaan pa ako ulit ni Tremaine na hanggang sa bus station ay sinundan kami ni Romie.
"Siguraduhin mong hindi ka na babalik dito," aniya habang nakataas ang kilay.
Hindi ako sumagot at dumiretso nalang sa bus.
"Salamat sa lahat Romie, pakisabi kay Mama Arcy, sorry talaga," ani ko. Nung nagpaalam kasi ako kay Mama Arcy, panay ang iyak. Mamimiss raw niya kami ni Dorothy.
"Basta tumawag at mag-text ka anytime, ha? Anytime, Nori," ani Romie.
Niyakap ko siya ng mahigpit bago mag-paalam.
"Mama, Luna said I can eat ice cream."
Nilingon ko ang anak ko na nakahawak sa laylayan ng damit ko habang pinapatuyo ko ang buhok ko.
"It's almost dinner, anak. Maybe tomorrow, we'll go to your favorite ice cream parlor," nakangit kong sabi sa kanya.
"Really?" Malaki ang ngiti nitong tumakbo palabas ng kwarto habang tinatawag si Luna.
She's almost two when we moved here. Dito ako sa Sydney pinag-aral ni Lola ng college. Natupad ko na rin yung pangarap kong maging Architect. Noong una ay hindi sang-ayon si Mama na isama ko si Dorothy kaya lang nagpumilit ako. Sinabi kong ako na ang bahala. Pagkarating ko dito, nag-apply ako ng trabaho bilang online tutor para hindi na ako lalabas ng bahay, iyon ang pakiusap ko kay lola, magiipon lang ako hanggang sa may mai-pangbayad ako ng mag-aalaga kay Dorothy.
Luckily, I found Lilia, she's 21 at that time, TNT siya dito pero matapos ang dalawang taon ay nakapag-asawa rin ng Australian. Hindi umalis si Lilia sa akin, Monday to Saturday ay nandito siya ng alas otcho hanggang alas sais ng hapon para mag-bantay kay Dorothy at tuwing Sunday naman ay day-off niya. Kapag nandito si Luna, bihira ko ng pinapapunta si Lilia para naman makapag-enjoy silang mag-asawa.
"Aalis ka?" Tanong ni Luna ng makapasok siya sa kwarto ko. May hawak siyang pajama na batid ko'y ipampapalit niya sa suot ni Dorothy.
Tumango ako, "Nag-yaya si Cleo na mag-celebrate, eh. Maaga rin akong uuwi."
"Buti naman, hindi ka nag-lalalabas eh, trabaho-bahay ka lang," aniya.
"Hindi naman ako mahilig sa gala-gala, Luna. Mas mabuting dito nalang ako sa bahay para mas makasama ko pa si Dorothy."
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomantikLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...