Freed Heartaches
Kabanata 7: Drive her home"Others say, why do we need to wear this and that? Why should we look like this and that, honestly honey, bilang sekretarya ng isang sikat at malaking company, kailangan mo rin magmukhang...well...presentable. Binubuhat mo ang pangalan ng kumpanyang pinagtatrabahuan mo, you need to learn how to leave a good impression to others." Paliwanag ni Miss Sandy habang nakaupo sa sofa na nasa boutique.
"Give her more of those blazers, please. Kung pwede ay iyong may terno na skirt, 2 inches above the knee." Utos niya.
Tumango ang sales lady at nag-angat muli ng iba pang set ng blazers and skirts sa tapat ko, nakatayo kasi ako ngayon sa harap ni Miss Sandy at siya ang nagsasabi ng mga bagay sa akin.
"One of that navy blue, the dirty white and the black, please."
"M-Ma'am, parang sobra naman po yata ito, may mga corporate attire naman po ako sa bahay." Sabi ko. Nakakahiya kasi, ilang damit na ang binibili namin, tapos ginto pa ang presyo.
"Don't worry, it's all on our boss. And besides, hindi mo naman siguro gugustuhing humarap sa mga sikat at naglalakihang businessman ng ganiyan ang suot kung sakaling isama ka niya sa mga meetings, diba? Atsaka iyang corporate attire na sinasabi mo naman, two decades ago pa yata." Umiiling na sabi nito.
"Nakakahiya po kasi..."
"Mas nakakahiya kapag hindi presentable ang hitsura mong haharap sa mga investors at kung sino-sino pang kilalang tao sa business world, Leonora. Believe me, I've been there." Sinenyasan niya ang sales lady na kukunin namin ang mga damit bago siya tumayo at lumapit sa akin, sapo-sapo pa ang malaking tiyan.
"I've worked for Kale for a very long time, he's a friend of mine too, asawa ko rin ang kaibigan niya, ayoko lang talaga magresign kahit na iyon ang gusto ng hubby ko, I love my job, tsaka he pays really good, malay mo, you'll replace me permanently na." She winked.
"M-Ma'am, mukhang hindi naman po ako para sa trabahong ito..." mahina kong sabi.
Hindi ako sanay sa ganito, wala akong alam pagdating sa ganitong bagay, paano ako haharap kay Sir Archaelus, paano ako... oh my God.
"Sweetie, lahat ng bagay napag-aaralan."
Lumapit sa amin ang saleslady para sabihing nasa counter na lahat. Naglakad kami papalapit don at nagabot si Miss Sandy ng Card, isang swipe lang tapos na, bayad na. Life of the rich people is really different, huh? Isang ganon lang, parang magic, pwede mo ng maiuwi, sayo na, ganon lang.
Iniabot sa akin ng saleslady ang apat na paperbag, ngumiti ito at nagpasalamat.
"Akin na ang iba." Sabi ni Miss Sandy.
Agad akong umiling, "Nako, ma'am, ako na po. Kaya ko po."
Ngumiti ito at napailing, "I can carry, too."
Umiling pa rin ako, nakakahiya naman, kaya ko naman buhatin ang mga ito, tsaka isa pa, buntis siya. Wala siyang nagawa ng sunod-sunod akong umiling.
"Alright then, tara na sa mga sapatos."
Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa isang magarang boutique, tulad ng kaninang pinuntahan namin, wala rin masyadong tao dito. Nilapitan kami agad ng isang saleslady.
"Miss Sandy..." bati niya. Mukhang regular si Miss Sandy dito, ah.
Nginitian niya lang ito at iginiya ako sa isang area ng sapatos.
"So, these are pumps. This kind of shoes for me, are much better than stilletos. Kasi iyong ibang ganon, masyadong matataas, unlike these, classy sila tignan, and hindi ganon kataas ang heels, just enough to give you maybe... extra height." Bahagya pa itong tumawa, "Pili ka na."
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...