Freed Heartaches
Kabanata 27: StuntTime do really fly so fast, dalawang buwan nalang at pasko na. Makakauwi na ako sa amin. Sa tatlong buwan na nakalipas, wala naman masyadong nangyari. Parang pumikit lang ako tapos pagdilat ko, october na.
My situation with Archaelus is still the same, mas lalo nga lang lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya. Ganon pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin at kina Mama Arcy. He's really serious when he said he'd pursue me.
"Bakit di mo pa kasi sagutin? Kulang nalang lumipat siya doon sa atin sa dalas niyang pumunta," ani Romie. Wala kaming trabaho ngayon dahil linggo kaya nagyaya siyang lumabas.
"Alam mo naman iyon."
"Hay nako, ewan ko ba sayo. Okay naman yung pamilya mo sa inyo, wala naman palya ang pagpapadala mo at may income na sila doon tulad ng gusto mo. In short, their life is much better," sumimsim ito sa kanyang kape at umirap.
"Isa lang naman iyon sa mga gusto ko munang mangyari. Hindi naman ako forever sa La Taverna dahil gusto kong mag-aral.." sagot ko bago subuan ng cake si Dorothy.
"Ayaw mo ba talagang tanggapin yung offer na scholarship ng kompanya? Diba nag-ooffer naman sila."
"Kung tinanggap ako bilang waitress, siguro tatanggapin ko dahil magagawan ng paraan sa schedule, pero sa pagiging secretary ng CEO naman ako pinasok, nakakahiya naman kung hindi ko ibibigay yung full time ko, diba?"
"Well," ngumuso siya at tumango.
"Tatapusin ko muna yung contract ko dito. Manganganak na si Miss Sandy anytime this month, after non dalawang buwan nalang ang hihintayin ko para sa recovery niya, babalik na siya."
"Kung babalik pa siya..." Romie smiled.
"Oo naman no, iyon ang sinabi sa akin. By then, mag-aapply na ako sa mga call center tapos mag-eenroll na rin ako, mag-aapply ako ng scholarship sa mahahanap kong school," sagot ko.
Napagplanuhan ko na kasi kapag bumalik si Miss Sandy, 8 months lang napagkasunduan namin since i-fifill ko lang naman yung leave niya. Nakikinita ko rin na baka umabot ito ng isang taon pero at least kapag natapos may plano na ako. Itutuloy ko na ang pagtatrabaho dito sa siyudad dahil mas malaki ang sahod kumpara sa amin sa probinsiya.
Gusto rin kasi ni Luna na lumipat dito pag nag-senior highschool na siya, kaya maliban sa pinagiipunan ko iyong pag-aaral namin, isinasali ko na rin ang downpayment ng rerentanan kong apartment o condo dahil nakakahiya naman na makitira kina Mama Arcy kapag dumating na si Luna. Sapat naman ang sahod ko rito sa La Taverna, sobra pa nga.
Nag-ikot lang kami sa mall buong maghapon, buti nalang at naka-stroller na si Dorothy dahil hindi ko kakayanin ang buhatin siya ng matagal na oras, mabigat na kasi. Sabi ng pediatrician ng minsang ipa-check up ko siya, malaki raw siya para sa edad niya.
Apat na buwan nalang at isang taon na siya, sana ay makauwi ulit ako sa amin dahil balak kong doon mag-celebrate.
"Leonora?"
Sabay kaming napalingon ni Romie sa likod.
"Oh, hi!" Lumapit sa akin si Artemis kasunod si Gaia. Humalik sa akin si Artemis sa pisngi.
"Wow, long time. I heard you met papou months ago, sayang wala ako," ani Gaia ng makapagbeso sa akin.
"Nagtravel ka raw.." sagot ko.
"Yes, you know... na-stess ako sa Demetriou Hotels."
"Ah, oo nga pala, ito si Romie, kaibigan ko," pakilala ko kay Romie, kinamayan siya Gaia.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
Roman d'amourLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...