Chapter 39

35 1 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 39: Ultimatum

Ilang segundo din kaming tahimik ni Romie bago ako tumikhim.

"K-Karina... biglaan naman yata ang pagpunta mo dito?" Ani ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil nagulat talaga ako sa bigla niyang paglitaw.

"Bakit? Ayaw mo ba? Dito ka nagtatago? Balak mong itago ang anak ko?"

"Hoy! Ang kapal rin naman ng mukha mong babae ka! Anong palagay mo sa bata? Tuta? Na nababawi basta-basta?" Singhal ni Romie sa kanya.

"Pwede ba, Romie, huwag kang nakikialam dito. Bakit? Anak ko naman iyon, ah? Ako ang nag-luwal, ako iyong nanay. Kaya kukunin ko ang anak ko, nasan ba?" Hinawi niya si Romie at naglakad papasok ng gate.

Agad namin siyang sinundan. Hinablot ni Romie ang braso niya bago pa siya makapasok sa loob ng pinto.

"Trespassing ka! Hindi ako nagpapasok ng mahadera sa bahay namin!"

"Ano ba?! Bumitaw ka nga! Ang dumi-dumi mo! Ang dumi-dumi niyo! Kaya dapat lang na bawiin ko na ang anak ko!" Sigaw niya at dumiretso na papasok.

Nangunot ang noo ni Mama Arcy ng makapasok kami sa bahay.

"Karina?"

"Mama Arcy, hello!" Ngisi niyang bati at bumaling kay Dorothy, "My baby!" Lumapit siya kay Dorothy at akmang kukunin ng humigpit ang yakap niya kay Mama Arcy at umiyak.

"Karina, bitawan mo ang bata, umiiyak na," ani Mama Arcy.

"Kayo po ang bumitaw dahil anak ko po ito, ako po ang may karapatan!"

"Karina!" Inis kong sabi, "Pwede ba, umayos ka! Kung gusto mong kunin si Dorothy, maki-usap ka ng maayos, hindi yung para kang sino diyan kung umasta," bumaling ako may Ate Minda, "Ate, paakyat na muna si Dorothy."

"Anong akyat? Hindi! Dito lang ang anak ko!"

Sinenyasan ko si Ate Minda na iakyat na si Dorothy.

"Romie, Nori, ano ba ito?" Ani Mama Arcy.

"Mama Arcy, pwede po bang mag-usap muna kami?"

Kahit lito'y tumango nalang si Mama Arcy at sumunod kina ate Minda.

Lumapit ako sa sofa at naupo doon. Nakita ko pa ang pag-irap ni Karina bago naupo sa sofa na nasa harap ko. Sumunod din si Romie at naupo sa tabi ko.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita, Karina?" Ani ko.

I looked at her from head to toe. Dati pa nama'y ganito na manamit si Karina. Laging agaw pansin pero ngayon, mula ulo hanggang paa ay mamahalin na ang suot.

"Eh sa ngayon lang, eh! Leonora, kukunin ko na ang anak ko! Kaya ko na siyang buhayin, hindi ka na kailangan!"

"Sa lahat ng makakapal ang mukha ikaw ay may pinaka, Karina! Anong sabi mo kay Nori noon? Tatlong araw lang diba? Sabi mo tatlong araw ka lang na mawawala at babalik ka rin agad, ni wala kang ambag kahit salapi! Ilang beses kang tinawagan pero walang sagot! Tapos ngayon magpapakita ka na parang wala lang? Na parang kahapon ka lang umalis?!" Ani Romie.

"Kahit ano pang satsat ninyo, kahit dalhin pa ito sa korte, alam niyong ako ang mananalo," sagot ni Karina.

"Karina, anak ko na rin si Dorothy," ani ko, "Huwag naman sanang ganito..." hindi ko na alam ang isasagot ko dahil tama naman si Karina, kahit umabot kami sa korte, sa kanya ang bata. Siya ang biological mother at 1 year old palang si Dorothy.

"Leonora, nagpapasalamat ako sa ginawa mo para sa anak ko, pero kukunin ko na siya, isasama ko siya sa America at doon na kami maninirahan."

Hindi ko na napigilan at napa-iyak na ako, "Karina, isang taon mahigit... isang taon mahigit na ako ang nandiyan para sakanya. Isang taon mahigit na ako ang nag-iisip ng kapakanan niya habang ikaw, iniwan nalang siya na parang tuta. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa buhay mo sa loob ng isang taon, pero huwag naman sanang babawiin mo nalang siya basta-basta."

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon