Freed Heartaches
Kabanata 47: Everything"Oo nga, nababasa ko sa newspaper iyong pamilya ng mamanugangin ni Leo! Bigatin!" I heard one say ng mag-refill ako ng pancit sa handa ni Mama.
"Sino ba sa mga anak ang ikakasal?"
"Iyong panganay yatang nanggaling sa ibang bansa."
Napa-irap ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Tumikhim ako at nang maglalakad ako sa tapat nila. Sabay silang napatingin sa akin.
Ngumiti ako ng hilaw, "Excuse me po, dadaanan po ako saglit," ani ko, tumabi naman sila at akmang magchichismisan nanaman ng lumingon akong muli sa kanila, "At huwag rin po sana tayong mag-chismisan sa harap ng mga pagkain dahil may mga pumipila pa po."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila, dumiretso na ako sa kusina at nilapag ang pinaglagyan sa dining table, nilingon ko si Tita Alice na busy sa paghalo ng kung anong niluluto niya, "Tita, ano ba naman ang mga kapit-bahay niyo rito, talagang sa loob pa ng bahay ng pagchismisan nila sila nagchismis, ha."
Nilingon ako ni Tita at tumawa, "Nako, magulat ka kung may mapupuntahan kang lugar dito sa Pilipinas na walang chismisan," aniya.
"Tita, nagsimula na ang party't lahat, nagsisikuhaan na sila ng mga pagkain, ikaw nagluluto pa rin, ano ba iyang niluluto mo?" Tanong ko at lumapit para sumilip sa hinahalo-halo niya roon at nakitang ginataang bilo-bilo iyon.
"Para ito sa meryenda natin mamaya," aniya.
Tumango ako.
"Nasan na ba ang boyfriend mo at nandito sa akin nanggugulo?"
Kumunot ang noo ko, "Tita, pati ba naman ikaw? Hindi ko po iyon boyfriend. Boy na friend lang," sagot ko.
"Sus, dumaan rin ako sa ganyan, tignan mo may Kerby ako," she chuckled.
Sasagot pa sana ako ng biglang marinig ko ang boses ni Archaelus.
"There's Mama..." rinig kong sabi ni Archaelus. Natanaw kong tumakbo papalapit sa akin si Dorothy habang iwinawagayway ang isang sipa.
"Mama, look!" Pinakita niya ito sa akin, "I will bring this home and I will teach my playmates so we can play this at school!"
"Okay, but go change first," ani ko ng maramdam ang likod niyang basa na ng pawis, "Tita, palitan ko lang 'to ng damit."
"Kumain na kayo?" Tanong ko kay Archaelus ng paakyat kami.
"Yes, you?" He asked. He held the lower part of my back.
Tumango ako.
Nang makarating kami sa kwarto ay pinaupo ko si Dorothy sa kama bago ako nagpunta sa closet.
"Let me," ani Archaelus ng makakuha ako ng isang t-shirt. Binigay ko iyon sa kanya at na-upo ako sa kama. Lumapit siya kay Dorothy at tinanggal ang suot nitong t-shirt.
"After you change, don't play outside, okay?" Ani ko kay Dorothy. Nilingon niya ako at kinunutan ng noo.
"Mama, my friends are playing outside, I have no one to play with in the living room, I don't wanna watch tv anymore," sabi niya bago nilingo si Archaelus, "Daddy..."
Archaelus slightly pinched her cheek, "Yes, love, you'll play outside."
"Archaelus, pagpapawisan nanaman iyan. Atsaka, kapapalit lang, oh. Baka mamaya maubusan nanaman ng pampalit iyan."
"We'll buy."
"Wala akong pera."
"Ako, meron."
"Edi wow, ayoko. Hindi mo naman obligasyon."
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...