Chapter 33

57 1 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 33: Fall Hard

I looked at Archaelus who's busy feeding Dorothy with cupcakes. Nasa hapag kami at nagmemeryenda.

Kauuwi lang ni Romie matapos magreklamo kung bakit namin siya iniwan sa sasakyan ng tulog.

Siniko ako ni Mama, "Taga saan iyan?" She asked.

"Maynila po."

Tumikhim si Papa at uminom sa kanyang tubig, bumaling siya kay Archaelus na ngayon ang nakatingin na din sa kanya.

"Gaano na kayo katagal ng anak ko?"

"More than a month po," he said.

"Bakit ngayon niyo lang naisipan na ipaalam sa amin ang relasyon niyo?"

"It was—"

"Ako po ang may desisyon noon, Papa," ani ko, "Gusto ko po kasing sabihin sa inyo na kasama ko si Archaelus."

Papa raised his brow, si Mama naman ay nakatingin pa rin kay Archaelus.

I even noticed Luna staring at him, kunot rin ang noo. Calvin is beside her, looking at me.

"Anong trabaho mo?" Mama asked.

"Ma," mahina kong bulong.

"Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah?"

Hinawakan ni Archaelus ang kamay ko, "It's okay."

He smiled and looked at my mom, "May restaurant po ako."

Sabay kaming napalingon ng marinig ang tikhim ni Calvin, he was smirking a bit.

"Ano iyon? May gusto kang sabihin?" Inis kong tanong.

"Wala naman," aniya, nakangisi pa rin.

Archaelus glared at him, nagtitigan sila. I caressed Archaelus' shoulder.

Bumaling siya sa akin at ngumiti, he continued feeding Dorothy.

"Alam na ba ng pamilya mo ang tungkol sa relasiyon niyo ng anak ko, o tinatago niyo rin sa kanila?" Muling tanong si Papa.

"Hindi po. Alam na po ng pamilya ko."

Bumaling sa akin si Papa, "Naipakilala na ho ako sa kanila, Pa. Mabait po ang mga Demetriou."

"Demetriou?" Luna asked.

Ngumiti ako at tumango.

Tumaas ang isang kilay niya at tumango.

Nagpatuloy ang pagtatanong ni Papa at Mama kay Archaelus hanggang sa matapos kaming magmeryenda.

"Sa amin muna si Lea at Lisa, kayo na ang umukopa sa dati ninyong kwarto," ani Mama habang tinutulungan ko siyang ligpitan ang mga ginamit namin.

"Si Luna po?" Tanong ko.

"Kina Kristy na iyan naglalagi dahil nga dumating iyong pamangkin ni Kristy."

Tumango ako habang pinupunasan ang mga baso.

"Ikaw Leonora, hindi ko inaasahan na mag-uuwi ka ng kasintahan dito. Hindi mo man lang ipinaalam."

Huminga ako ng malalim, "Pasensiya na po, hindi ko po kasi alam kung paano sasabihin."

She nodded, "Maganda ang naging bunga ng pagma-maynila mo sa atin, kahit papaano ay bumuti ang kalagayan ng ama mo, meron din maliit na negosyong mapagkukunan. Hindi naging madali ang buhay mo dito, alam ko," Ani Mama.

"Laking pasasalamat ko po, Mama, na nabigyan ako ng magandang oportunidad doon. Si Luna po, gustong doon mag-aral sa susunod na taon, sisimulan ko na pong mag-ipon para makabukod kami kina Romie."

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon