Freed Heartaches
Kabanata 1: The Legacy"Ate, iiwan mo kami?" Umiiyak na tanong sa akin ni Lea habang inilalagay ko sa bag ang mga gamit ni Dorothy. Ihahatid ko ulit sila kina Romie ngayon. Kasasabi ko sa kanila iyong tungkol sa maynila, na kailangan kong umalis para magtrabaho.
Huminga ako ng malalim at marahang hinila siya papalapit sa akin.
"Kailangang mag-trabaho ni ate, Lea. Diba si Papa nasa ospital? Tapos kayo nag-sschool, kailangan natin ng pera." Masuyong paliwanag ko.
"Bakit kailangan malayo?"
"Kasi, walang trabaho dito na sapat ang sweldo para sa gastusin natin, 'wag kang mag-alala, hindi matagal si ate, babalik ako agad." Hinaplos ko ang pisngi niya at pinalis ang mga luha.
"Lisa," baling ko sa kapatid kong nasa tabi ni Dorothy, umiiyak rin niyayakap-yakap ang anak ko, "Tara, baba na tayo, naghanda ako ng masarap na pagkain."
"Talaga, ate? Birthday mo?" Natawa akong lumapit sa kinaroroonan ni Lisa para buhatin si Dorothy, "Hindi, halina kayo."
Sabay-sabay kaming bumabang tatlo. Naabutan namin roon si Luna.
"Saan ka galing?" Tanong ko ng makalapit kami sa hapag.
Umirap ito, "Diyan lang."
Nakaramdam ako ng inis sa asta niya, "Diyan lang? Alam mo ba kung anong nangyayari rito sa bahay? May gana ka pang magpunta kung saan-saan?"
"Bakit ba? Eh sa ayoko nga rito!" Inis na sagot niya at tumayo.
"Luna, ang papa may sakit! Wala tayong kapera-pera tapos ganiyan ka pa! Bakit hindi ka tumulong? Kahit maghanap man lang ng part time!" Sabi ko rito habang pinapaupo ang mga bata. Nakahanda na rin ang pagkain sa hapag, kakain nalang.
"Nag-aaral ako, ate! 'tsaka may trabaho ka naman diba?!"
"Wala na, natanggal na ako doon."
Hanggat maari, ayokong sumigaw o magalit kahit napupuno na ako, nasa harap kami ng mga bata, hindi magandang nakikita nila ang ganon.
"Ha?! Ate! Paano na iyan! Nakakainis naman! May field trip kami sa susunod na buwan! Paano ako makakasama?!" Inis na reklamo nito sa akin.
"Kaya nga sabi ko humanap ka ng part time diba? Kahit tuwing walang pasok lang. Kung ano ang kikitain mo roon, 'wag kang mag-alala hindi ako makiki-hati." Paliwanag ko sa kanya.
"Eh, alam mo naman na may lakad ako tuwing weekends diba?! Ate, ano ba iyan!" Padabog itong tumayo at umalis ng hapag. Rinig ko ang malalakas na yapak niya paakyat.
Huminga ako ng malalim at bumaling sa mga kapatid ko, "Kain lang kayo ng marami ha?" Ngumiti ang mga ito at pinagpatuloy ang pagkain.
Sinimulan ko namang subuan si Dorothy na kalong ko ngayon, simula ng mag 6 months siya, paunti-unti ko na siyang pinakain ng solid foods, ngayon, hinandaan ko siya ng kanin at sabaw.
Matapos kumain pinaghanda ko na ang mga bata, sabado ngayon, at walang pasok si Lisa. Ihahatid ko sila kay Romie dahil babalik ako sa ospital at magbabantay. Pagkahugas ko ng mga pinagkainan, sinunod kong paliguan si Dorothy, nakahanda na rin ang mga gamit niya sa sala.
Saktong pagkababa ni Lisa at Lea, patapos ko na ring bihisan ang anak ko.
"Ayan, tapos na! Ang bango-bango na ng baby ko!" Hinalik-halikan ko ang leeg ni Dorothy at humagikhik naman ito ng humagikhik. Inilapag ko siya sa crib bago ko binalingan si Lisa na nakaupo at nilalaro ang buhok ni Lea, "Lisa, bantayan niyo muna si baby Dorothy ha, maliligo lang ako." Tumango naman ito at lumapit sa crib ni Dorothy.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...