Chapter 21

49 2 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 21: Not too late

"Tulala ka kanina pa, may nangyari?" Tanong ni Romie habang naglalakad kami sa sidewalk. Medyo maaga pa naman hindi pa nagdidilim kaya naisipan namin na mag-streetfoods nalang muna bago kami umuwi. Buti nga hindi nanaman siya ginabi doon sa pinuntahan nilang branch.

Umiling ako, "Wala naman..." umupo ako at binaling ang tanaw sa Manila Bay.

"Ay nako, sabay na tayong lumaki. Parang kapatid na kita at lahat ng bagay sa buhay mo ay alam ko. Kailangan mo pa ng matinding practice para maniwala akong wala nga talaga." Sagot niya.

Kumagat ako sa kwek-kwek at huminga ng malalim, "Kasi..."

"Kasi ano?"

"Si Sir Archaelus." Ani ko.

Tumango siya at ngumisi, "I knew it. Sabi ko na nga ba bet mo iyon, eh. Halata naman sayo. Halata sa kinang ng mata mo kapag tinitignan mo siya."

My cheeks burned, "Ganon ako ka-obvious?" Tanong ko.

"Sa akin oo, kasi matagal na kitang kilala, alam ko na lahat ng likaw ng bituka mo, pero ewan ko sa iba. But Rondrix sometimes notice it, pero hindi ikaw, si Sir ang napapansin niya." Kibit balikat nitong sagot.

Nag-iwas ako ng tingin at pinanood nalang ang bay. Kita rito ang mga boat na naka-park at ang sunset.

"Okay ka lang?" Tanong muli ni Romie sa akin.

"Ewan ko..." I whispered, "Gusto ko siya, Romie. Gustong-gusto." Sagot ko.

"O, eh anong problema? Wala naman masama kung gusto mo siya."

"Yun na nga eh, iyong nararamdamn ko hindi nalang basta simpleng gustong-gusto lang," napailing ako, "Ang gulo ko na..." bumuga ako ng hangin at tumitig sa papalubog na araw, "Nahuhulog na ako, Romie."

"Sabi ko nga, wala naman masama kung mahulog ka. Hindi ka naman kasal, wala ka naman batas na nilalabag, hindi rin naman kasal o may jowa yung ginugusto mo. I mean, not that I know of, pero sa nakikita ko naman na kilos niya, mukhang gusto ka rin niya, ang sweet pa kay Dorothy. Kita naman na mabuti siyang tao." Ani Romie.

"Pero... hindi ba sobrang bilis? Kakikilala ko pa lang sa kanya 2 weeks ago, Romie. Alam mo naman ang pinagdaanan ko sa pagmamahal. May pamilya pa akong tinutulungan sa probinsiya. Minsan nga, sobrang nagi-guilty na ako na hindi ako masyado makapag-focus sa trabaho dahil nadadala ako sa feelings ko," nilingon ko si Romie na mataman din na nakikinig, "Si Calvin, kababata natin, matagal din akong nilagawan, minahal ko naman talaga iyon, eh. Pero si Archaelus kasi, ang bilis. Tapos minsan, hindi ko pa maipaliwanag yung nararamdaman ko kapag nandiyan siya kasi sa totoo lang, hindi ko naman naramdaman ang mga iyon kay Calvin."

"BFF.." he sighed while patting my shoulders, "Love knows no time. Kesyo pa makilala mo siya sa loob ng isang araw o kaya gabi, kung mararamdaman ng puso mo na mahal mo siya, mahal mo siya. Hindi naman ibig sabihin na mabilis kang nahulog, baka hindi na totoo o baka phase lang. Iyong mga nasa relationship nga na tatlo o apat na taon, nagagago pa eh. I mean, minsan talaga hindi mo rin masasabi kung siya na. But love is unpredictable and that's one of the things that makes it wonderful."

"Hindi ko alam Romie, gulong-gulo pa ako. Baka infatuated lang ako kasi ang dreamy niya." Sagot ko.

"Alin ang magulo?"

"Lahat? Ang alam ko lang may nararamdaman na ako para sa kanya. Pero kasi, kahit saang anggulo tignan, I don't deserve him. May mga babae na mas bagay para sa kanya. Si Racella. Maganda, mataas ang pinag-aralan, tapos kilalang-kilala pa siya ng pamilya ni Archaelus. At iyon nga, meron pang Mariana na... jusko. Ewan."

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon