Freed Heartaches
Kabanata 18: Birthday KissNagising ako na sobrang gaan ng pakiramdam. Today is my birthday and I'm celebrating for my baby's 1 year and fifth month, too.
Bumangon ako at tumayo, nilapitan ko si Dorothy at sinilip, natutulog pa siya. Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table at tinignan ang oras, 5:07 am pa lang. May text rin na naroon at dalawang missed call. Kay Archaelus lahat.
Sir Archaelus:
Happy Birthday, beautiful.The text was from 12am. Napangiti ako. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng maaga kagabi. Naihatid niya ako dito sa bahay ng mag-aalas cinco. The whole ride back to the metro was silent. Minsan tinatanong niya ako ng kung ano-ano but he must've sensed that I'm nervous, which I am the whole time, inabot niya lang ang kamay ko at pinagsalikop niya iyon sa kanya. Magkahawak-kamay lang kami ng buong oras. Minsan, sa tuwing lilingunin ko siya, masasalubong ko na ang berdeng mata niya, at ngingiti siya.
We didn't talk about what happened in the bathroom after that. I don't know the real score between us, kung meron man, but honestly, hindi man kapani-paniwala kung pakikinggan, but for a short period of time, I think I'm falling for this man.
Ang sungit naman niya nung una at lagi akong kinakabahan kapag nandiyan siya, so I don't know how the hell did he managed to enter my system and caused havoc right away.
Akala ko simpleng crush at physical attraction lang, but I am wrong. He is someone your heart could never resist. Sabi ko iiwasan ko na siya, pero heto ako ngayon at mas lumalapit pa.
There's a big possibility that this would turn out a disaster for me, una, dahil boss ko siya, pangalawa, the gap between us is unreachable, kahit makailang beses ko pang sabihin sa sarili ko na gusto ko siya at baka sakaling gusto rin niya ako, it's not enough. Wala akong maipantatapat sa mga babaeng nababagay sa kanya, ni hindi nga ako makapag-college, pangatlo, there's Racella, gustong-gusto niya si Archaelus at mukhang expected naman na sa pamilya nila na sila ang para sa isa't isa. How am I suppose to compete with that? At pang-apat, I need to think about my daughter and the situation that I'm in, gusto ko si Archaelus at baliw man pakinggan dahil kinokontra ko rin yung sinabi ko noon, pero ayokong mag-resist. I shouldn't take any risk but I am willing. Kahit parang medyo selfish pakinggan.
I shook my head, hindi ko muna dapat isipin ang mga iyon ngayon, I'm gonna celebrate my birthday, tapos yung kay Dorothy rin. Dapat goodvibes lang muna. Besides, wala pa naman kaming relasyon.
Sinuklay ko ang buhok ko at nagpalit ng shorts at t-shirt bago bumaba. Naabutan ko si Ate Minda at Romie na nasa kusina na, nagkakape si Romie sa island counter habang nakaharap sa kanya ang kanyang laptop habang si ate Minda naman ay nagpriprito.
"Morning..." bati ko ng makalapit sa kuhanan ng tasa.
Nagtaas ng tingin si Romie sa akin at tumayo, hinagkan niya ako sa pisngi, "Good morning, bakla! Happy 20th birthday!"
Tinapik ko ang braso niya at ngumiti, "Thanks, bakla!"
Bumalik ito sa kanyang ginagawa. Pumwesto ako sa harap niya, "Sabado ngayon, ah. Over-over time ka?" Tanong ko habang sumisimsim ng kape.
"Hindi, tinatapos ko lang ito para masend ko na mamaya, kailangan na ni Sir." Sabi niya.
Tumango ako, "Si Mama Arcy?"
"Pumunta sa palengke, i-pipick daw yung mga balloons."
Bahagya akong natawa, "Balloons? Tanda ko na para don."
"Hindi para sayo, assumera ka. Para kay Dorothy."
"Ah, sorry naman." Natatawa kong sagot.
Hindi siya umimik ng ilang minuto. Nilapag na ni ate Minda ang prinito niyang daing na bangus at hotdogs sa mesa pati na rin yung sinangag kaya lumapit na ako doon para umupo.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...