Chapter 2

72 3 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 2: For my Family

Ala-una ng madaling araw ng bumangon ako. Kahit pagod at antok na antok, pinilit kong kumilos. Tinapik-tapik ko ang mga pisngi at ipinilig ang ulo.

Maghapon kaming namasyal at naglaro ng mga bata kahapon, tapos kagabi nama'y dumaan ako sa ospital para magpaalam kina mama at papa.

Dahan-dahan akong bumangon para buksan ang ilaw. Ang sasarap pa rin ng tulog ng mga kapatid ko. Napapatitig ako sa kanila, naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko, hindi pa man ako nakakaalis, ganito na. Nakikinita ko na ang magiging sobrang pagka-miss ko sa mga kapatid kong 'to.

Pinigilan ko ang pagpatak nito at lumapit sa mga gamit namin na inempake ko kagabi, dahan-dahan kong hinala ang mga ito palabas para maibaba na.

Inilagay ko ang mga ito sa sala bago dumiretso sa kusina, naghanda ako ng agahan. Huling kain ko na rin ito kasama ang mga kapatid ko, alam kong matagal na panahon pa ang hihintayin ko kung sakaling magandang trabaho ang naghihintay sa akin doon sa maynila, hindi ko man gustong mawalay ng masyadong matagal sa kanila, pero hinihiling ko rin na sana maayos at may maganda pasahod ang trabahong mapasukan ko, hindi rin naman ako nakapagtapos ng kolehiyo kaya kung ang pangarap kong trabaho ang hahangarin ko doon ay baka umuwi lang kaming mag-ina na luhaan.

Naglagay ako ng mga plato at kutsara sa lamesa, hinanda ko na rin ang mga niluto kong hotdog, itlog at tocino bago tinakpan. Umakyat akong muli para kumuha ng tuwalya at pamalit.

Matapos kong maligo at makapagbihis, kinuha ko na rin si Dorothy sa higaan hindi naman siya mahirap gisingin, mabuti nalang rin at nakatulog ng maaga kagabi. Binanlawan ko ang katawan nito at binihisan. Mag-aalas dos na rin.

Nauna ko siyang pinakain ng kanin at sabaw. Ipinagtimpla ko na rin siya ng gatas sa bote para handa na ang lahat. Ito ang magiging unang biyahe ko ng mahabang oras kasama ang anak ko, at hindi ito sanay. Huwag naman sanang sumuka.

Buhat si Dorothy, umakyat ako para gisingin ang mga kapatid ko, ayoko man sanang istorbohin sila, ito na kasi ang huling makakasama ko sila.

"Luna," marahan kong tinapik-tapik ang braso niya, "Luna..."

"Hmm..." kinusot-kusot nito ang mata bago ako pinukulan ng inis na tingin, "Ate naman, ano ba iyon?! Natutulog ako e."

"Bangon na, nakahanda na ang pagkain." Sagot ko rito at sunod na nilapitan ang dalawa ko pang kapatid.

Nakita ko ang paglingon ni Luna sa maliit naming bintana bago ito umirap at padabog na bumalik sa higa, "Ang dilim-dilim pa eh!" Reklamo nito at nagtalukbong ng kumot.

Nagsibangunan na ang dalawa kong kapatid, "Tara, baba tayo..."

"Ate... gabi pa po." Sagot ni Lea.

Mahina akong tumawa at hinalikan siya sa pisngi, "Nagluto ako ng masarap na pagkain."

Nagmulat ito agad at tumayo, "Talaga ate?" Tinapik-tapik nito si Lisa na kagigising din at kinukusot ang mata, "Ate Isay, masarap daw na pagkain! Tara na!" Dali-dali itong tumayo at nauna na sa pag-baba.

"Goodmorning, ate." Bati ni Lisa sa akin at humalik sa pisngi ko, "Goodmorning, Dorothy kulit," humalik din ito sa pisngi at leeg ni Dorothy na nasa bisig ko bago sumunod na bumaba kay Lea.

Bumalik ako sa tabi ni Luna at niyugyog ang balikat nito, "Luna... aalis na ako mamaya, sige na naman, bumangon ka na."

Inalis nito ang kumot sa mukha at inis na bumangon, "Oo na, susunod ako."

Tumango ako at bumaba na. Naabutan ko ang mga kapatid ko sa mesa na nagsisimula ng kumain. Lumapit ako sa kanila at umupo sa bandang kabisera, "O, nagdasal kayo?" Tanong ko, tumango sila bilang pagsagot, "Naghugas ng kamay?" Muli kong tanong.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon