Chapter 4

52 2 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 4: The Boss

Alas cuatro y media ng bumangon at bumaba kami ni Romie. Katulad ng sabi ni Tita Lilette, maaga raw kami sa bahay niya. Tulog pa si Mama Arcy at Dorothy ng bumaba kami, kahapon, nagpa-akyat muli si Mama Arcy ng crib kay Mang Rolly sa kwarto na inuukupa namin, kaya kahit papaano ay kampante akong maiwan si Dorothy roon ng tulog, iniwan ko ring medyo bukas ang pinto para kung sakaling umiyak, maririnig ko kaagad.

Nagsasangag si Romie at ako naman, gumagawa ng kape, may coffee maker si Mama Arcy dito kaya wala siyang 3-in-1 o kahit iyong nescafe black coffee na lalagyan mo lang ng mainit na tubig.

Inilapag ni Romie ang sinangag sa lamesa ng matapos niya itong lutuin, nandoon na din iyong mga prinito niya kaninang hotdogs at tocino. Ako, nandito pa rin sa coffee maker.

"Three decades ago na nandiyan ka pa rin?" Tanong ni Romie at lumapit, siya ma ang nagpatuloy ng paggawa non.

Naglakad nalang ako papunta sa hapag at umupo. Madilim pa sa labas pero gising na ang mga tao, may naririnig na akong ingay. Inilapag ni Romie ang dalawang baso ng kape saka umupo.

"Lafang na baks, ayokong malate, baka iwan tayo ni Tita Lette, best in punctuality iyon." Sabi niya.

Binilisan nalang namin kumain para magkaroon kami ng sapat na oras para maghanda, katulad nga ng sabi ni Romie kahapon, mag-aapply kami ngayon at kailangan makapag-iwan kami ng good impression. Malaking tulong iyon para matanggap kami.

Suot ang pencil cut skirt na kulay itim at isang button down long sleeved blouse na puti, isang pares ng itim na 3-inched-heels at stockings, mukha akong college professor. Naglagay rin ako ng light make-up at inayos ang buhok ko, hinayaan ko nalang itong nakalugay at tinipon lahat sa likod. Naglagay rin ako ng cologne. Nilingon ko ang anak kong nakatayo at nakadungaw na sa railings ng crib, nakatitig ito sa akin.

Lumapit ako at binuhat siya saka pinaggigilan ang matatabang pisngi at leeg.

"Goodmorning, chaba!" Natutuwang bati ko rito.

Kinuha ko sa kama ang shoulder bag at envelope na pinaglagyan ko ng mga papeles na gagamitin ko sa pag-apply saka bumaba. Alas sais na at ang usapan na dating namin sa bahay ni Tita Lilette ay bago mag alas siyete. Dalampung minuto ang layo ng bahay niya mula dito.

Naabutan ko si Romie na nakaupo sa sofa sa may sala at nagsusuot ng sapatos. Ready'ng-ready na rin. Lumabas mula sa dining area si Mama Arcy at lumapit sa akin para kunin si Dorothy.

"Magpapatawag na ba ako ng tricycle kay Rolly?" Tanong nito.

"Opo, ma. Tapos na ako." Sagot ni Romie bago tumayo at pinagpag ang manggas ng suot na cream button down polo shirt.

Lumabas si Mama Arcy para utusan si Rolly na magtawag ng tricycle.

"Bet ko iyang look mo bakla, mukhang matalino, oh!" anito.

"Tse!"

Naglakad ako palabas ng bahay, nandoon na iyong tricycle sa tapat ng gate. Lumapit ako kay Mama Arcy at binuhat saglit iyong anak ko.

"Pakabait ka, tabachingching!" Hinalikan kong muli ang pisngi nito, humawak siya sa leeg ko at yumakap ng mahigpit.

"Nako, ayan na, mukhang nakaramdam na." Sabi ni Mama Arcy.

Kiniliti ko ang bandang kili-kili ni Dorothy para bumitaw ito, hinalikan kong muli ang pisngi at noo bago ko ibigay kay Mama Arcy. Hinaplos ko ang ulo nito at ngumiti, "I love you, anak. 'Wag makulit..."

Saktong lumabas na rin si Romie dala na rin niya ang kanyang bag.

"Ma, vavush!" Kumaway ito kay Mama Arcy matapos halikan ang pisngi ni Dorothy.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon