Chapter 48

33 0 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 48: Friends turned Family

"Did you call your mom?" Tanong ni Archaelus ng makalabas kami sa airport ng Manila.

Umiling ako ng hindi siya nililingon. Marami ang nagdadaang taxi at susubukan ko nang pumara.

"Anak, get down. We'll take a cab," ani ko sa anak kong tulog parin sa bisig ni Archaelus.

"Cab? What for?" Archaelus raised a brow.

"Para makapunta kami kina Mama Arcy?"

"No need. I called someone to pick us up."

"Kaya naman namin mag-taxi," angil ko.

"I know, kaya ko rin naman kayong dalhin doon."

I shrugged. Kahit siguro hanggang mamaya kami rito ay hindi ako makakasakay ng taxi dahil hindi naman papatalo itong isang ito.

Isang maleta at backpack lang ang dala ko dahil babalik pa naman kami kina mama. Sasadyain ko lang talaga sina Mama Arcy at Romie.

Ilang minuto pa'y may huminto sa harap namin na puting SUB. Sigurado akong ito na iyong sasakyan ni Archaelus.  Nilingon ko siya at nabaling agad ang tingin kay Dorothy na namumungay na ang mata.

"Baby, come to mama na."

She shook her head and rested it on Atchaelus's shoulder.

"I got her," he said, "Let's go."

Iyong maletang hawak ko kanina ay inilagay na ng driver niya sa loob ng sasakyan.

When we're all settled, he looked at me and raised a brow, "You good?"

I slowly nodded my head. Magkatabi kaming tatlo dito sa likuran at kandong niya pa rin si Dorothy. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa mga nadadaanan namin. Wala naman masyadong nagbago. Medyo nasisikipan na nga lang ako sa highway, siguro dahil nasanay rin ako sa Australia.

"Are you hungry?" I heard Archaelus asked. Akala ko'y si Dorothy ang kinakausap niya kaya nagulat ako ng makitang sakin siya nakatingin.

"Pwede bang dumaan nalang tayo sa mcdo at magdrive thru? Para may makain na mamaya kina Mama Arcy."

He raised a brow.

I did too. Ano nanaman kayang issue nito?

He took his phone and called someone.

"Cook some food, good for at least ten people and have it delivered at the address I'm about to send."

"Ten people? Bakit ganon na ba karami ang tao sa bahay ni Mama Arcy?" tanong ko.

He shook his head, "Nope, but it's better to bring more so we could share."

"Yes, mama, we should share.." Inangat ni Dorothy ang ulo at tumingin sakin ng nakangiti.

Hindi na ako sumagot at tumingin nalang muli sa labas ng bintana.

Habang papalapit kami sa bahay nina Mama Arcy, hinahaluan ng kaba yung excitement ko. Walang kaalam-alam si Romie na uuwi na ako, sila ni Mama Arcy.

I owe them a lot. During my worst days, sila yung nandoon para sa amin ni Dorothy, sila yung naging pamilya namin dito at tatanawin ko yung malaking utang na loob sa kanila.

"Mama, have I been to where we're going?" Dorothy asked.

Nilingon ko siya at nginitian, "Yes, we lived there for a while."

"Hmmm, really?" Inangat niya ang kanyang ulo na tila nag-iisip, "How come I don't remember.."

Narinig ko ang halakhak ni Archaelus.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon