Chapter 23

41 2 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 23: I don't like this feeling

"Hey, are you okay?" Napakurap ako sa malakas sa pitik ng daliri ni Sir Nixon sa tapat ng mukha ko. Kumunot agad ang noo ko at umirap.

"Sa mukha ko talaga, Sir?" inis kong tanong.

"My dear secretary, I've been talking here for a while now wala ka man lang reaction," nilingon nito ang pinto ng office ko, "Ano bang meron sa pinto na iyan? May lalabas ba diyan na inaabangan mo?"

"Ha?"

"Kita mo. Ano bang tumatakbo diyan sa utak mo? Konti nalang iisipin kong naka-hits ka."

Mas sumimangot ako sa kanya, "Di ako adik." Sagot ko at muling tumingin sa mga papeles na nasa harapan ko.

"Wala naman akong sinabi." Nagkibit balikat siya at sumandal sa upuan na nasa harap ng lamesa ko, "Kain tayo."

"Sir, wala pa pong break, alas nueve pa lang po."

"So?"

"Palibhasa, boss ka." Mahina kong sabi.

"Kaya dapat nagta-take advantage ka na. Dahil next monday, wala ng ganito. I'm telling you, mamimiss mo ako." Ipinatong niya ang paa sa katapat niyang upuan.

Naka-suit siya pero ganyan umupo, akala mong tambay rin sa kanto na binihisan lang ng pang-mayaman.

"Sir, wala po ba kayong trabaho? Bumalik na po kaya kayo sa opisina niyo?" Ani ko. Kaninang pagpasok ko nandito na siya at prente ang upo sa sofa. Buong oras dinadaldal lang niya ako. Nung tinanong ko kung nasaan yung girlfriend niyang buntot niya, inismiran lang ako.

Hindi na nga diretso ang utak ko sa mga nangyari kagabi at naiwan yatang nakalingkis kay Archaelus ang kaluluwa ko, dumadagdag pa itong si Sir Nixon na walang preno ang bibig sa pag-kwento ng walang kabuluhang bagay.

"Wala na akong gagawin. And besides, Kale owes me. Walang problema kung gusto kong mag-relax. Siya na nga dapat ang nandito ngayon pero hindi pa rin naka-pasok." Aniya.

"Panggulo po kayo sa concentration ko, Sir."

"Oh, so you're bothered by my presence..." Inayos niya ang kanyang upo at humilig sa mesa habang mariin ang tingin sa akin, "Crush mo ako?"

Nalukot ang mukha ko, "Assuming din po pala kayo?"

Napuno ang buong opisina ng tawa niya.

"No wonder someone I know is crazy over you." Napailing-iling siya habang nakangisi.

Kumunot ang noo ko pero hindi na siya pinansin. Tinuon ko ang atensiyon ko sa computer.

"So anong surprise mamaya para sa akin?"

"Wala po."

"What? I told you to organize a surprise goodbye party for me."

"Sir, hihilera nalang po kami mamaya sa hallway at sabay-sabay na kakaway sayo."

"Wow, that's new," he said sarcastically, "Pero kahit wala kang surprise para sa akin ngayon, I'll still take you on a trip tomorrow."

Sinalubong ko ang tingin niya, "Trip?"

"Yes. There's a conference for the CEOs all over metro tomorrow. Sa Baguio. Samahan mo ako."

"Akala ko ba last day mo na ngayon? Wala ka bang sariling secretary?"

"Meron. But I told you, Kale owes me."

"Wala po akong trabaho bukas. Rest day ko."

"I know, pero sasama ka pa rin."

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon