Chapter 24

39 2 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 23: Talk

Nagising ako sa tunog ng alarm sa cellphone ko. Alas dose na. Kailangan ko ng maghanda, mamayang alas dose y media kasi babyahe na kami ni Archaelus papunta sa hotel na pag-gaganapan ng conference.

I took a quick shower, hindi ko kasi alam kung paano buksan ang heater ng shower dito, ang daming pipindutin. Kumpleto ang mga gamit sa banyo dito, pati towellete ay mayroon. Buti nalang at binuksan ko iyong mga kabinet, may nakita akong plantsa kanina sa closet na nandito, tinupi ko kasi yung gagamitin ko.

I wore a peach long-sleeved ruffled top and a fitted black pencil skirt. Nang maisuot ko ang pumps ay dali-dali kong inabot ang tanging handbag na dala ko at bumaba na.

Naabutan ko si Archaelus na naka-upo sa sofa at nag-cecellphone. He's all dressed up at mukhang ako nalang ang hinihintay. Ang linis niyang tignan sa suot niyang long sleeved button down polo. This is his usual outfit pero hindi pa rin ako nasanay kung gaano siya ka-gwapo doon.

"Sorry, natagalan ako..." I said.

Inangat niya ang tingin sa akin, hinagod ako ng mata niya mula ulo hanggang paa, he raised a brow and smirked, "Nah, it's fine. Let's go?" Aniya bago tumayo at inabot iyong coat ng suit niya.

Tumango ako. Nauna siyang naglakad palabas. I can smell his perfume. Nagawi ang tingin ko sa pang-upo niya. I bit my lower lip, ang sexy. Ipanalig ko ang ulo ko, yung utak mo, Leonora!

Binuksan niya ang shotgun at iminuestra ako papasok. Pagkasara niya ng pintuan ay pasimple kong inamoy ang loob ng kotse, ang bango talaga.

"Are you hungry? The conference starts at 1, but for sure it's gonna be 1:30. Do you wanna grab some lunch first?" Tanong niya ng maka-upo na sa driver's seat.

Umiling ako, "Diretso na tayo doon, kung hindi pa magsisimula baka may cafe naman na malapit sa venue." Ani ko. Nakaramdam na rin ako ng gutom dahil ang huli kong kain kaninag alas sais pa.

"Okay," he nodded.

Katulad ng dati, inabala ko nanaman ang sarili sa pagtanaw sa bintana, pigil na pigil talaga akong lingunin si Archaelus na kanina pa tikhim ng tikhim. I pursed my lip before looking in front, nakita ko sa peripheral vission ko na nilingon niya ako.

I raised my right brow before looking at him, "Ano po iyon?"

He smirked before he shook his head, "Nothing."

Binalik na ang tingin sa kalsada pero naroon pa rin yung ngisi. I casually shrugged, bahala siya diyan.

***

Isang taimtim na pasasalamat ang inusal ko ng makarating kami sa venue, sobrang awkward kasi sa pakiramdam kapag kaming dalawa lang. Pina-vallet na niya yung sasakyan niya at sumunod ako papasok.

Humigpit ang hawak ko sa handbag ko habang pinapalibot ang paningin, ganito rin ako noon sa Tagaytay, deja vu.

Iginiya kami sa isang function hall. May mga presidential table sa harap at ilang round table. Sabi ni Archaelus baka 1:30 daw magsisimula eh parang late na nga yata kami. Occupied na ang mga round table, iilan nalang ang bakante. Well, yung pwesto niya ay sa presidential table na may nakatalaga pang pangalan.

"Sir, this way..." Ani usherette sa kanya.

Hindi na ako sumunod dahil iyong isa ay itinuro naman sa akin yung round table na malapit. Nilingon ako ni Archaelus bago siya sumunod.

"Will you be fine?"

Tumango ako, "Yes, Sir," sagot ko bago sumunod sa usherette.

Nang maka-upo ay nilibot ko ang paningin, may ilang media akong nakikita. Nagpapabonggahan pa ang ilan sa mga kasama ko rito na palagay ko'y mga secretary rin.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon