Chapter 14

44 2 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 14: Home

Nagising ako sa mga iyak ni Dorothy, lunes ng umaga. Bumangon ako at agad siyang binuhat mula sa crib, inabot ko ang kanyang feeding bottle at pinadede siya. Umupo ako sa dulo ng kama at marahang tinapik-tapik ang kanyang hita. Dumungaw ako sa wallclock na nasa taas ng pinto, 3:44 palang ng madaling araw.

Nang mapatulog ko Dorothy, dahan-dahan kong muli siyang binalik sa crib. Hindi na ako makakabalik sa pagtulog kaya bumaba nalang ako.

Naabutan ko sa kusina si Mama Arcy, naka-upo siya sa high chair ng island counter at kausap ang kaniyang boyfriend na kano.

"Ay, honey, you said Liam is there right? Leonora is here too!" Sinenyasan niya akong lumapit, agad akong umiling-iling at tinuro ang sala. Pinanlakihan niya ako ng mata, "Halika na," she mouthed.

Hinila niya ang braso ko at pinadungaw sa kanyang laptop, naroon sa likod ng boyfriend niya iyong anak niyang lalaki.

"Oh, there you are, Hi! I'm Jhonny," kumaway ito sa kanyang camera bago hinala ang anak, "And this is my son, Liam, he's single."

"Dad.." mahinang pigil niya sa kanyang ama.

"Batiin mo," bulong ni Mama Arcy sa akin.

Ngumiti ako ng pilit, "H-Hi, Liam..." kumaway ako ng bahagya. He's good looking. Sobrang evident ng kanyang blue na mata, but Archaelus' eyes are way—

What? I shook my head, ano ba itong pinag-iisip ko. Bakit ba biglang napasok si Archaelus.

"Hi, Leonora." Bati niya at tipid ding ngumiti.

"Ayy..." mahinang tili ni Mama Arcy.

Napailing nalang ako, "I'll talk to you some other time, Jhonny, Liam..." paalam ko bago dumiretso sa lababo. Kumuha ako roon ng baso bago naglakad papunta sa aming ref, bigla akong inuhaw.

Since maaga pa naman, napagdesisyunan kong magluto nalang muna ng agahan, I couldn't sleep in kasi wala pa rin si Ate Minda. Kinuha ko ang kaldero ng rice cooker at sinaingan iyon. Nagluto rin ako ng tortang talong at hotdogs.

Bandang alas cuatro y media ng bumalik ako sa kwarto, tulog pa rin si Dorothy. Binuksan ko nalang ang aking cabinet at namili ng isusuot. Navy blue pencil skirt, a white half sleeved puff-shoulder laced top and a navy blue velvet pumps to start the week.

Sinamantala ko ang pagligo habang tulog parin si Dorothy.

Paglabas ko ng banyo ay sakto ng lumabas rin si Romie mula sa kanyang silid, may tuwalya ng nakasampay sa kanyang braso at bangag pa rin ang histura.

"Puyat ka?" Tanong ko.

He just nodded, medyo nakapikit pa.

Natawa ako sa hitsura at kilos niya, hanggang sa makapasok ako sa kwarto, napapatawa pa rin ako. Sinilip ko si Dorothy sa kanyang crib na ngayon ay gising na. Sana ay hindi dahil sa tawa ko.

"Goodmorning, bubba..." bati ko bago siya binuhat mula sa crib. Nilipat ko siya sa sahig na puno ng puzzles. She immediately crawled to her stuffed toys.

Sinimulan ko na rin ang pag-aayos sa aking sarili. I decided to let my hair down after putting a light make up, alas cinco y media ng bumaba kami ni Dorothy.

Naabutan ko si Mama Arcy na nasa sofa at umiidlip. Dumiretso ako sa kusina at pinaupo si Dorothy sa kanyang high chair. Naglagay na rin ako ng mga plato at kutsara bago ko ginawan ng makakain si Dorothy.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon