Chapter 46

51 1 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 46: Family Member

"Ate, okay ka lang?" Kunot noong tanong ni Luna sa akin. Tumango ako at tipid na ngumiti. Isinarado ko ang laptop ko at huminga ng malalim.

Nag-send sa akin si Cleo ng e-mail na kailangan kong i-review. Mag-memeeting na sila sa susunod na linggo patungkol sa approved na design ng team namin bago simulan.

But I can't focus on my work. Panay ang takbo ng isip ko sa sinabi ni Archaelus. After our talk, I ran away. Sinundan niya pa ako pero hindi ako nagpapigil.

Kahapon pa iyon at mula kanina'y hindi ako lumabas ng villa. Kami lang ni Luna ang natira dito dahil may ginagawa rin siya sa kanyang laptop. Ang mga bata ay sinundo kanina ni Artemis.

"Anong nangyari kahapon?" Tanong niya.

I told her what happened.

"You showed me the picture. Siyang-siya yon. Paanong hindi siya kasal?"

Iyan din ang tanong ko mula pa kagabi. I don't know what to do. I'm so confused and scared.

"Hindi na ako nagtanong," I said.

Tumayo si Luna at nilapag ang kanyang laptop sa center table, lumipat siya ng upo sa tabi ko.

"Anong balak mo ngayon?"

Nagkibit-balikat ako, "Ganon pa rin, sisiguraduhin kong mag-eenjoy si Dorothy sa bakasyon namin bago kami bumalik, baka hindi na kami mag-isang buwan," ani ko.

Today, I decided na last day na namin dito sa resort at uuwi na bukas, sa susunod na araw na kasi ang birthday ni Mama at isang araw matapos iyon, balak ko ng tumulak pa-maynila.

"Eh ngayon? Hindi ka talaga lalabas? Baka hanapin ka ng anak mo."

Umiling ako, "Pakitignan nalang muna, tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka," sagot ko.

"Mukhang hindi ka naman na talaga kailangan magbantay dahil nandon naman yung 'daddy'," she chuckled.

Umirap ako sa kanya at muli kong binuksan ang laptop ko. Isa pa iyon, hindi ko pa nakakausap ang anak ko tungkol doon. Sinabi kaya ni Archaelus na tawagin siyang daddy?

Naawa ako minsan kay Dorothy, alam kong kahit hindi na siya masyadong nagtatanong tungkol sa pagkatao ng totoong tatay niya dalhin meron naman si Calvin at si Papa, alam kong gugustuhin pa rin niyang makilala. Nga lang, hindi ko alam kung kaya ko pang makita si Karina matapos ang ginawa niya. Hindi naman na raw kasi talaga bumalik sabi ni Romie.

Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Luna. Na-empake ko na ang karamihan sa mga gamit namin, iyong mga basang pinanligo nalang ng mga bata kahapon. Alas sais palang naman kaya hindi na ako magpapa-room service ng umagahan. Lulutuin ko nalang iyong natitirang box ng pancake mix na baon namin, buti at may tira pa silang cereals at gatas.

"Goodmorning, ate," bati ni Leah ng mabungaran ako sa kusina dumiretso siya sa dining table at naupo.

"Goodmorning, gutom ka na?" Tanong ko at naglapag ng bowl sa harap niya.

Tipid siyang tumango at nagsimula ng magsalin ng cereal doon.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto ng pancake.

"Ate."

"Hmmm?"

"Boyfriend mo na ba ulit si kuya pogi– ay sorry, Kuya Archaelus pala?"

Agad akong umiling, "Hindi.."

"Gusto mo pa ba siya, ate?"

Umiling ako ulit.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon