Freed Heartaches
Kabanata 5: A new friend and the girlfriendNakaihi na ako. Nakabalik na rin ako dito sa mga upuan, at naabutan kong naroon na din Romie. Tinaasan ako nito ng kilay.
"Saan ka galing?" Tanong niya.
"Sa C.R. sorry, kanina ka pa ba nakalabas?"
"Hindi naman. Pumasok ka na." Sabi niya at bahagyang tinulak pa ako sa loob.
Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang pinihit ang doorknob. Iyong manager ay abala sa pagbabasa ng kung ano kaya hindi napansin ang pagpasok ko. Tumikhim ako kaya nag-angat ito ng tingin.
"Miss Saavedra," bati niya.
"Good morning po ulit, sir."
"Have a seat." Itinuro niya ang upuan sa kanang bahagi ng lamesa gamit ang ballpen na hawak.
Naglakad ako papalapit doon at umupo.
"So, you're a highschool graduate..." sabi niya habang nakatingin roon sa files ko.
"Opo..."
"Tell me something about yourself," sabi niya at tinignan ako.
"I'm a single mother sir, I worked as a nanny before getting a job at a factory at our province, I have two siblings and I'm the one who provides for my family, sir." Sabi ko.
"Bakit hindi ka nagcollege?" Muling tanong niya, nakapangalumbaba na.
"I could'nt afford to go to college, sir. Gustuhin ko man po, pero mas kailangan ako ng mga kapatid ko, magugutom po kami kapag pinagpilitan kong mag-aral."
"How about scholarships?"
Bahagya akong umiling, "Wala po kasing magtratrabaho para sa amin, sir."
"And your parents?"
Umiling lang ako. Mukhang naintindihan naman niya iyon.
"If ever we hire you, you'll be one of our waitress," he said.
Tumango ako bilang pag-sang ayon.
"And by the way, The Demetrious offer scholarships para sa mga empleyado nilang nag-aaral o gustong mag-aral, you might want to apply, it's a good oppurtunity." aniya.
Tumikhim ako, wow.
"Uh, pag-iisipan ko po sir. Priority ko po kasi ngayon ay iyong sa anak ko at sa pamilya ko sir," sagot ko.
Tumango siya, "Just tell Lette if you change your mind, alam na niya iyon."
Ngumiti ako, "Opo, sir."
"Okay, sige, we'll call you."
Tumango ako at nagpaalam.
That was easy. Naglakad kami ni Romie pababa sa kitchen, hinanap namin agad si Tita Lette kaya lang busy rin itong nagluluto ng mga orders, pasado alas diez na rin, ang bilis lang naman pala nung interview ni Sir, halos dalawang oras lang, tig-isa kami ni Romie, kung tutuusin malapit na ang pananghalian at mapupuno na ang restaurant.
Nang makita kami ni Tita Lette, nag thumbs up siya, tumango si Romie sa kanya at itinuro na ang exit. Uuwi na rin kami, o baka mag-iikot, hindi ko alam gusto raw kasing magpunta ni Romie sa mall. Baka doon na rin kami kumain.
Nang makalabas kami sa restaurant, pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag.
"Alam mo ba, kanina nung interview mo, may dumaang gwapo sa harap ko! Iyong CEO! Sure ako doon!"Natutuwa niyang kwento.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...