Freed Heartaches
Kabanata 22: I like youTwo weeks. Two weeks na walang Archaelus sa opisina. Si Sir Nixon ang nag-asikaso ng lahat, ilang out of town meetings din ang sinama niya ako. Nasanay na rin ako sa presensiya niya at doon sa girlfriend niyang pasaway at sakit sa ulo daw niya na walang ginawa kundi mambulabog sa office.
The first few days felt so weird na tuwing magsusubmit ako ng papers sa opisina eh si Sir Nixon ang naabutan na tawagin ko nalang raw na Nix which I refused dahil maliban sa siya ang acting boss ko, ang mga nakakamatay na tingin ng girlfriend niya ang sumasalubong sa akin tuwing susubukan ko iyon.
Nakakatulong na panay ang inaattendan namin na meetings at yung mga na-reschedule noon dahil kahit papaano ay nakakalimutan ko yung issue ko kay Archaelus. Kasi nung mga unang araw ay wala akong ginawa kundi ang magbabad sa IG profile ni Racella tuwing gabi at tignan ang mga pino-post niyang pictures nila ni Archaelus na namamasyal sa kung saan-saan.
"Buti hindi ka naiirita sa tuwing nandito yung girlfriend ni Sir Nixon? Kapag naglalakad yun sa hallway or kung pa-akyat rito, irita kaming mga nasa kitchen dahil panay ang irap niya." Ani Rondrix na kaharap ko ngayon at kasabay nanaman kumain.
"Hindi naman, sanay na ako." Sagot ko.
"Teka, kailan ba kasi babalik si Sir Archaelus, miss ko na siya." si Trixie na ngayon ay kasalo rin namin. Natanggap siya at sa HR ang kanyang trabaho. Nagsimula siya tatlong araw na ang nakakaraan at sa amin siya nakikisabay ni Rondrix. Si Romie talagang feel na feel na ang pagiging assistant manager dahil hindi na namin madalas makasabay sa lunch.
"Hindi ko alam, indefinite naman. Atsaka, hindi naman kami nakakapag-usap para itanong ko iyon dahil nag-iwan naman siya ng papalit." sagot ko.
"Fina-follow ko sa IG yung girlfriend niya! Nako! Kung hindi lang ubod ng ganda iyong babae, aagawin ko si Sir, kaya lang bagay sila so keri na. Magfofocus nalang ako sa panliligaw sayo, Drix..." nilandian pa niya ang tono.
"Hoy, Trixania. Mangilabot ka nga." Sagot ni Rondrix.
Ganito sila lagi, nagbabangayan. Nakakatuwa dahil minsan ginagatungan ko na baka sila ang magkatuluyan. Bagay naman sila.
Matapos ang lunch ay diretso trabaho ulit ako. Gamay na gamay ko na ang gagawin dito, it's been more than a month since I started this job, I couldn't be thankful enough kasi nakakapag-provide na ako sa pamilya ko ng mas maayos.
Papa was discharged a week ago pero kailangan daw ngayon ay ang kanyang maintenance. Buti at may makakasama na sila Lisa at Lea sa bahay kapag aalis si Luna.
"You can go home early today."
Napaangat ako ng tingin at sinundan ang boses ng nagsalita, si Sir Nixon, nakadungaw sa connecting door.
"Po?"
"Pwede kang umuwi mg maaga ngayon kung gusto mo, tapos naman na ang important meetings natin ngayong linggo and I'm going out with Hazel. Sulitin mo na, next week, babalik na boss mong tunay." Nakangisi niyang sabi.
"Sige na sige na, alam ko naman na miss na miss mo na rin iyang girlfriend mo kahit laging nandito." Pagtataboy ko.
"Inagahan ko talaga ngayon ang uwi natin para makarami kami." Kumindat pa ang loko.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...