Chapter 8

51 2 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 8: Started following you

"Kanina pa ako nakauwi, bruha ka! Nag-alala ako, akala ko nakauwi ka na, hindi kita nakita sa restaurant kanina, nag-alala kami!" Inis na sabi ni Romie ng tuluyan akong makapasok ng bahay.

Buhat niya si Dorothy at nakapalit na rin siya ng pambahay.

"Sorry, Romie, sinama kasi ako ni Miss Sandy, ang sabi niya kailangan ko raw ng make-over para sa trabaho ko." Sagot ko habang nilalapag ang mga paperbags at iyong karton sa sofa.

"Miss Sandy? Sino iyon? At mukhang nagshopping ka pa ng bongga." Ani Romie.

"Nagulat nga ako..." lumapit ako sa kanya at binuhat si Dorothy, "Ang sabi niya, ako raw muna ang papalit sa kanya dahil magkakaroon siya ng indefinite leave, pinagiisipan rin niyang mag-resign na."

Umupo ako sa sofa at hinalikan ang pisngi ni Dorothy, "Hi, tabachingching..." naramdaman kong umupo rin si Romie sa tabi ko.

"Teka nga, wait... anong trabaho? Akala ko— I'm so confused." Sabi nito.

"Si Miss Sandy ay secretary ng CEO, at nung lumabas kami sa office ng manager, dinala ako roon sa opisina niya, tapos ayun, sabi ako raw muna ang papalit, sabi raw ng big boss."

"OMG! Request ni yummy papalicous CEO?! Baka bet ka! Nagandahan nung nakita ka sa Cafe! Kaya tanggap tayo agad!" Bulalas nito at ngumiti pa ng napakalapad, "OMG!"

"Alam mo, ilusyunada ka. Anong bet, baka naman nagmamadali lang sila na maghanap ng kapalit at nakitang may nag-aapply at tayo iyon," sagot ko.

"Imposible namang walang ibang nag-apply diyan, naku, wag kang nega sa mga naiisip ko ha, basta, baka bet ka talaga niyan ni Sir CEO." Pagpipilit niya.

"Bahala ka nga diyan." Sagot ko nalang at itinuon ang pansin kay Dorothy.

Pataba ng pataba itong anak ko, ang cute cute! Grabe parang kailan lang ang liit niya, ngayon ang bigat na. Hindi ko talaga maipagkakailang siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, bata man ako nung nagkaroon ako ng anak, at least mas nadagdagan ang rason ko para magpursige sa buhay.

"Ang dami naman nito, ito ba ang isusuot mo sa opisina araw-araw?" Tanong ni Romie ng ituon na ang pansin sa mga inuwi ko.

"Oo raw sabi ni Miss Sandy, iyon, walang kapaguran, buntis na't lahat ang energetic pa rin." Sagot ko.

"Parang hindi ko pa iyon nakikita, hindi ko siya knows."

"Ako rin naman, kanina nga, sa opisina niya, naintimidate ako, akala ko sobrang sungit, kabaliktaran pala."

"Akala ko kung napano ka na, naisip ko pang nawala ka! Kaloka! Hindi ka man lang nagsabi." Bumalik ulit ang inis niya ng maalala ang nangyari.

"Sorry na nga, ito naman. Maiba nga, kamusta naman ang first day mo?" tanong ko.

"Stressful! Grabe pala ang maging assistant manager! Daming kailangan gawin, tapos sakin pa pinagawa lahat ni Sir! Kaloka! Nastress ang beauty ko!" Kunwaring naghawi pa siya ng buhok.

"Goodluck," natatawa kong sabi, "Nasan nga pala si Mama Arcy?" Kaninang dumating ako, wala siya.

"Umalis, may ganap daw with friends, nagluto na ako kanina. Kakain nalang tayo." Sagot niya.

"Okay, sige."

Hinaplos ko ang likod ni Dorothy ng maramdaman kong humilig na siya sa dibdib ko. Inaantok na yata.

"Kumain na iyan, pinakain ko na kanina, bihis na rin ng pantulog, kita mo naman, ang galing ko diba?" sabi ni Romie.

Doon ko lang napansin na nakabihis na nga talaga ng pantulog si Dorothy, papatulugin nalang, na mukhang hindi na ako mahihirapan dahil ayun na nga, nakapikit na, nagpapakawala na rin ng mahihinang hilik. Mukhang napagod yata ito.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon