Chapter 35

45 1 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 35: Mother-in-law

Naging maayos ang pagdiriwang namin ng pasko dito sa amin. Thankfully, Archaelus and my father is now doing really well. Kung hindi nga nakatingin si Archaelus kay Papa ay ang laki ng ngisi niya rito na para bang botong-boto na siya.

I never told anyone about the talk I had with Calvin, tinanong ako isang beses ni Archaelus kung kamusta ang naging pag-uusap at kung ano ang pinag-usapan namin, pero hindi pa ako handang sabihin. It's not that I don't wanna share to him what we've talked about, sasabihin ko rin naman, hindi lang muna sa ngayon. I need time to think.

"Ano? Ako lang talaga ang babalik?" Romie asked. Dito siya sa bahay nag-tanghalian at kinukumbinsi na kami na sumabay na sa kanya. New Year is in four days at gusto na niyang bumalik ng Manila dahil si Mama Arcy lang ang naroon, ate Minda went home to her province.

"Gustuhin ko man sanang sumama rin, pero matatagalan din kasi bago ko makita ulit yung pamilya ko, Romie."

Tumango-tango siya, "Kung sabagay. Okay sige, bukas ng hapon na ako biya-biyahe. Nagpunta lang talaga ako dito dahil nagbakasakali akong ma-convince na kayong umuwi. Teka nga, nasaan ba ang jowa mo?" Luminga-linga pa siya sa paligid.

"Sumama kay Papa, tinignan nila yung bukid sa Timog."

"Ay, bakit? Bibilhin?"

"Aba! Ewan ko, wala naman sinabi, basta pupunta lang raw doon dahil tutulong din si Papa sa paghaharvest."

Tumango siya, "Maiba ako," he leaned a bit, "Anong pinag-usapan niyo ni Calvin?"

Romie is the one person who knows everything about me, about what I've been through and about what I feel towards a situation, kumbaga, siya na ang walking diary ko.

Nagkibit-balikat ako, "Gusto ng custody..." mahina kong sabi.

"Talaga nga naman! Ang kapal ng mukha!" Singhal niya. Bigla akong napatingin sa paligid. Buti nalang at kaming dalawa nalang ang narito sa hapag.

"Bunganga mo!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ang kapal! Wala naman karapatan!" Aniya sa pigil na paglakas ng boses.

Pasimple ko siyang kinurot sa hita, "Oo, na! Pero iyang bibig mo naman, baka marinig ka. Wala pa akong sinabihan nito."

Tumaas ang kilay niya, "Kahit sa mama mo?"

Umiling ako.

"Huwag kang papayag sa gusto ng hambog na walang balls na iyon," aniya bago umirap.

"Hindi talaga. Kaya kailangan kong mag-isip ng mabuti."

Tumango-tango. Saglit pa kaming nag-usap bago siya magpa-alam dahil kailangan pa raw niyang mag-empake.

Bandang alas cuatro ng makauwi si Papa at Archaelus. Si Mama at ang mga bata nasa kapitbahay pa rin. Umalis sila kaninang matapos ang tanghalian.

Rinig ko na ang boses nila mula rito sa kusina.

"Mabuti nalang at naibenta na iyon, sa kaibigan ko pa. Kung nasa dating may-ari yon, sobra ang presyong ibibigay," sabi ni Papa.

Kumunot ang noo ko at pinatay ang gripo. Humarap ako sa kanila, "Anong presyo, Pa?"

Papa looked at Archaelus, umiling si Archaelus at ngumiti, "Wala. What's for dinner? You want me to help you cook?" Lumapit siya sa akin.

Tumikhim si Papa bago pumanhik sa itaas. Sinundan ko siya ng tingin bago humarap kay Archaelus.

"Tinolang manok lang ang lulutuin ko, kaya ko na. Anong presyo iyon? May bibilhan ka?" Muli kong tanong.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon