Freed Heartaches
Kabatana 34: CustodyNagising ako ng wala na ang dalawa sa kama. Tinignan ko ang oras sa aking cellphone, it's half past nine! Tinanghali na ako ng gising!
Last night, umakyat rin kami ni Archaelus ng mahimasmasan siya ng kaunti.
Nakatulog ako agad dahil sa sobrang pagod ko kahapon, hindi kasi ako nakapagpahinga matapos ang biyahe.
Nasa dulo palang ako ng hagdan ay rinig ko na ang ingay sa lamesa.
"Ang sarap nito kuya pogi!" Ani Lea.
Sumilip ako at nakitang si Lisa, Lea, Dorothy at Archaelus lang ang naroon.
Tumikhim ako at naagaw ang kanilang atensiyon.
"Ate!" Ani Lisa.
Lumapit ako roon, "Anong meron?" Nakangiti kong tanong.
Lumapit ako kay Dorothy at pinanggigilan ang kanyang leeg.
Archaelus is cooking something. Nilingon ko ang mesa at nakitang may pancakes doon, itlog at bacon. May mga prutas din tulad ng strawberry at blueberries.
Nilingon ko siya, "Saan kayo kumuha ng strawberries at blueberries?" I ask as I look down on his body, his wearing a white muscle shirt and a sweatpants. Litaw na litaw ang mga braso niya.
"I went to the supermarket with your mom a while ago. Nag-grocery na kami doon," lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko, "Goodmorning."
Ngumiti ako at bumaling sa mga kapatid ko, "Nasan sina Mama at Papa?"
"Si Papa nasa likod po, si Mama may binili raw saglit," sagot ni Lisa.
"Sit and eat breakfast," sabi ni Archaelus at iginiya pa ako paupo. He put a plate with pancakes, syrup and fruits in front of me, "Finish that."
Mahina akong natawa at napailing nalang.
After breakfast, pinaliguan ko na si Dorothy. Archaelus said that he's going to cook lunch for us kaya tutulong ako sa kanya mamaya.
After I finish bathing Dorothy, sunod na rin akong naligo. Pagbaba namin ay naroon na si Mama sa kusina at kausap si Archaelus.
"Sigurado ka ba? Nakakahiya naman, bisita ka namin dito."
"Hindi po, gusto ko po talaga kayong ipagluto."
Lumapit ako sa sala at nilapag si Dorothy sa puzzle, naroon rin sina Lisa at Lea na naglalaro, "Bantayan niyo si baby saglit, ha?" Ani ko.
"O siya sige, maglilinis nalang muna ako sa taas," ani Mama. Nginuso niya si Archaelus at pinagtaasan ako ng kilay ng makadaan siya sa tabi ko.
Naglakad lang ako papalapit sa mesa at tinignan ang mga naroon, "What's for lunch, Mr. chef wannabe?"
Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay, "If I'm not mistaken, you love my cooking, Miss," he smirked.
"I didn't say I don't," ngumisi ako at nilabas na sa mga plastic ang iba't-ibang ingridients, "Pasta?"
"Hm-mm," he hummed while still on the sink, sinilip ko ang ginagawa niya roon at nakitang nagbabalat siya ng hipon.
"Ako na kaya diyan?" Lumapit ako.
"Nope, don't meddle when I'm cooking." He said.
Tinaas ko ang isang kilay ko at ngumisi, sumandal ako roon at tinitigan siya, the way his muscles flexed while peeling off the shrimps made me bit my lips. Nag-iwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...