Chapter 40

48 1 0
                                    

Freed Heartaches
Kabanata 40: Escape

"I knew it," nakangising bungad sa akin ni Tremaine ng makarating ako sa mansiyon nila.

Nang tinawagan ko ang numerong nasa calling card ay agad akong pinasundo at dinala dito sa mansiyon niya.

"Iatras mo ang kaso ng Papa ko!" Ani ko.

"Bakit? Papayag ka na ba sa alok ko?"

"Walang kasalanan ang pamilya ko sayo! Tigilan mo na kami!"

"Walang kasalan, yes. Pero ayoko ng sagabal sa plano ko," aniya, "By the way, natanggap mo na ba ang tawag ng eskwelahan ng mga kapatid mo? Tinanggal na rin sila."

Nagtagis ang bagang ko at tinitigan siya, "Napakasama mo!" Alam na alam kong iniipit niya ako dito.

"Magiging mabait ako kung susundin mo ang gusto ko."

Hindi ko na alam kung matatakot pa ba ako dito sa bruhang ito o matatawa nalang. Kung hindi lang ako ang dehado ngayon sa pinag-gagawa niya, iisipin kong nagpapaka-kontrabida siya sa isang teleserye, eh.

Huminga ako ng malalim at taas noo siyang tinignan, "Sige, aalis ako dito. Magpapakalayo-layo kung iyon ang gusto mo, pero iatras mo ang kaso sa Papa ko at huwag mong idadamay ang mga kapatid ko!"

"Very well. I'll wire you the money—"

"Hindi ako tatanggap ng ni kusing galing sayo," ani ko bago naglakad papalabas ng mansiyon niya.

Tulala ako ng makarating sa bahay. Pagkabigay ko ng bayad sa taxi ay agad akong pumasok at dumiretso sa loob.

"Anong nangyari?" Bungad na tanong ni Romie.

Hindi ko siya pinansin at agad dumiretso sa itaas. Buti nalang naibaba ko na ang mga gamit ni Dorothy kanina. Mag-aalas diez na. Hindi ko alam kung totoo ba iyong sinasabi ni Tremaine na tutulungan niya ako sa anak ko pero bahala na.

"Uuwi akong probinsiya, Romie," ani ko pagkababa habang buhat si Dorothy.

"Ha? Ngayon na?" Naguguluhan niyang tanong habang sinusundan ako.

"Hindi ko alam kung anong kaya pang gawin ng Tremaine na iyon. Pamilya ko na ang dinadamay niya. Romie, paano kung.. paano kung.."

Hinawakan ako ni Romie sa balikat, "Nori, relax..." aniya.

"Romie, paano ako mag-rerelax?! Tinaniman ng droga yung tatay ko! Kinulong siya, tapos pinaalis sa eskwelahan mga kapatid ko! Ganon ka-demonyo ang taong yon! Anong gagawin ko?!"

"Alam ko, alam ko," hinagod niya ang braso ko at pinapakalma ako, pero hindinako ma-kalma, "Bakit hindi mo nalang tawagan si Archaelus?"

"Romie. Ayaw kong–"

"Leonora alam kong alam mo na matutulungan ka niya dito."

Huminga ako ng malalim. Tama naman si Romie, matutulungan ako ni Archaelus dahil siya ang ginagamit ni Tremaine na dahilan. I know Archaelus wouldn't want that, at hindi rin niya magugustuhan na basta nalang akong aalis. Ayoko rin naman gawin yon.

Pero paano kung mas mapahamak lalo ang pamilya ko?

Maka-ilang beses ko ng sinubukan na tawagan si Archaelus pero walang sumasagot kaya nagpasya nalang ako na puntahan siya.

Nauna kong puntahan ang La Taverna pero wala siya doon, iilang admin palang ang naroon na at panay kitchen staff lang at waiters. Sumunod kong pinuntahan ang bahay nila.

"Ano po iyon?" Bungad ng kanilang maid ng makapag-door bell ako.

"Magandang umaga po, si Archaelus nandiyan po ba?" Malaki ang posibilidad na wala siya rito pero nagbabakasali nalang rin ako.

Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon