Freed Heartaches
Kabanata 36: Instead"Bangag na bangag iyang hitsura mo," ani Romie ng makababa ako sa kusina.
It's half past 5am, wala pa kaming trabaho dahil technically, bakasyon pa rin.
I recieved a few text messages and missed calls from Archaelus, nang mapatulog ko si Dorothy ay saka ako tumawag pabalik. Nixon told him that I was there, too. Sinabi ko nalang na napagod ako at nauna ng umuwi.
"Pagod sa biyahe," sagot ko.
"Ako rin naman pero hindi ganyan ang hitsura ko."
I glared at him while making my coffee.
"Bakit? True kaya."
Huminga ako ng malalim at naupo sa harap niya.
"Namatay yung Papa ni Racella."
His mouth formed an 'O' and slightly nodded.
"Kaya rin ako napasabay na sayo kasi naunang umalis si Archaelus. Hindi ko sinabi sa kanya na sumunod ako agad. Nakita ko kahapon si Nixon sa grocery, sinabay ako. Ihahatid sana ako pauwi pero dumaan muna doon sa burol," I sighed, " Nakita ko si Archaelus doon... at si Racella. Ganon pala yung pakiramdam kapag nakita mo na ng harapan, hindi naman nangaliwa si Archaelus, pero nakita ko kung gaano sila ka-importante at kung gaano kalaki yung parte nila sa buhay ng isa't-isa. Alam kong hindi ko dapat kinukumpara yung sarili ko o yung kung anong meron sa amin, pero... hindi ko rin maiwasan..."
Romie pursed his lips and nodded again. He held my hand. Kahit sa ganon lang, alam ko na agad na hindi ako nag-iisa.
"Baka siguro ngayon, pupunta iyon dito, hindi ko sigurado pero naiintindihan ko naman."
"Alam mo, hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis sa Racella na iyon, pero intindihin nalang muna iyong sitwasyon, alam ko naman na kahit hindi ko sabihin, iyon ang gagawin mo."
Tumango ako at uminom ng kape. Iyon nga ang gagawin ko.
Pagkatapos namin mag-umagahan ni Romie, bumalik agad ako sa itaas. Tulog pa rin si Dorothy kaya naligo na rin ako.
After taking a shower, I took my phone and texted Archaelus.
Ako:
Goodmorning.Wala pang isang minuto ay nagreply siya agad.
Archaelus:
Please go outside.Kasabay ng pagkunot ng noo ko ang katok sa pinto. Dali-dali ko iyong binuksan at bumungad sa akin si Romie.
"Prince charming mo, nasa baba."
Binulsa ko ang cellphone at nilingon si Dorothy.
"Romie, paki-tignan muna si Dorothy."
Tumango siya at pumasok sa kwarto.
Archaelus was leaning on his car while looking at his phone when I went outside. Tumikhim ako habang naglalakad papalapit.
"Bakit hindi ka pumasok?"
Umiling siya at sinalubong ako. He immediately pulled me closer when I opened the gate. This feels like dejà vu.
"Pasok ka kaya muna?"
He shook his head and tightened his embrace.
Hinawakan ko ang braso niya at bahagyang tinulak siya, "Halika, pasok muna tayo."
Nauna akong pumasok.
"Ang aga mo yatang nandito. Halatang wala ka pang tulog. Dito ka ba dumiretso galing sa burol?" Tanong ko ng maiabot ang tasa ng kape sa kanya.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...