Freed Heartaches
Kabanata 38: Baby MamaHindi na ako bumalik pa sa condo ni Archaelus. Nakatanggap ako ng apat na text at dalawang missed call galing sa kanya. Ang dalawang nauna'y hinahanap ako at ang mga sumunod ay sinabi niyang may emergency raw sa isa sa branch ng La Taverna na kailangan niyang puntahan kaya hindi na rin ako nag-abala pang bumalik doon. Tinext ko nalang siya na may pinuntahan lang ako at ngayon nakauwi na.
Naabutan ko si Romie at Dorothy na nasa sala.
"Oh, akala ko malalate ka ng uwi, mga bukas, ganon? Bakit ang aga mo?" Tanong ni Romie habang nakangisi.
Naupo ako sa sofa at bumuntong hininga. Hinaplos ko ang buhok ni Dorothy na naglalaro, "Nasan si Mama Arcy?"
"Nasa kapit-bahay lang iyon, so ano nga? Bakit nandito ka na?" Balik tanong niya.
Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay, "Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?"
"Huwag ako ang batuhin mo ng mga ganyang tanungan dahil alam kong bet na bet mo naman kasama si Sir," aniya.
Napailing na lang rin ako at tumayo, binuhat ko si Dorothy, "Nacorrupt na iyang utak mo."
Umakyat ako sa kwarto na agad din naman sumunod ang bakla.
"Ano nga, anong nangyari? Iyang mukha mo kasi busangot eh, warla ba kayo?" Sunod sunod niyang tanong.
Inilapag ko si Dorothy sa kama bago ko hinubad ang suot kong sling bag. Naupo si Romie sa kama at pinanood ako habang nakataas ang kilay, talagang naghihintay ng sagot.
"Ano? So dito ka lang? Romie, magpapalit ako ng damit maghuhubad ako." Ani ko.
"Huwag kang mag-alala, mas interesado ako sa chika mo kaysa sa katawan mo."
Muli akong napa-iling at bumuntong-hininga bago lumapit sa kama at naupo rin doon.
"Nag-usap kami ni Racella."
"Racella? Paanong nag-usap kayo eh diba kayo ni Archaelus ang magkasama? Don't tell me kasama rin siya?"
Umiling ako, "Hindi, pero nag-punta siya sa condo ni Archaelus. Kakausapin yata pero ako ang nabungaran kaya niyaya niya ako para makapag-usap kami."
Tumaas ang kilay ni Romie, "Oh, eh ano naman ang pinag-usapan niyo?"
Muli akong bumuntong-hininga at binaling ang tingin kay Dorothy.
"Ay, mukhang alam ko na iyang mga hitsura mong ganyan. Hindi maganda, ano? Anong sinabi sayo? Inapi ka ba?"
"Nagkakaproblema pala ang Restaurant, Romie."
"Oh?"
"Sabi niya dahil hindi na raw makapag-focus si Archaelus dahil sa akin."
Kumunot ang noo nito at humalakhak.
"Anong nakakatawa?"
"Edi si bruha! Napakawalang-kwenta naman at gawa-gawang rason yan."
"Eh, Romie, paano kung tama nga siya. Kasi diba, sa tuwing may business trip si Archaelus, pag-uwi sa akin ang deretso niya, minsan, nag-cacancel din ng meeting kung alam niyang may kailangan si Dorothy o ano..."
"Tingin mo ba ganon-ganon lang iyang si Sir Archaelus na pababayaan ang kompanya niya? Ang baba naman ng rason na iyan kung ganon."
I sighed and closed my eyes.
Nakukuha ko ang punto ni Racella. Alam na alam ko na magka-iba kami ng agwat ni Archaelus, pero hindi naman na kami mga bata para gawing big deal pa ang estado sa buhay, at higit sa lahat, wala naman kami sa palabas.
Ang gusto ko lang ngayon ay ang maka-usap si Archaelus. Iyon lang naman ang pinaka-magandang solusyon dito. Siyempre, kami ang magka-relasyon. Mas importeng kami ang nag-cocommunicate kaysa pinakikinggan ang mga nakiki-alam. Mas nasisira kasi lalo kung ganon.
"Pagka-uwi niya, kakausapin ko siya. Mas maganda nang alam namin ang side ng bawat isa. Kung totoo ang sinasabi ni Racella na mag-papakasal sila, nasa kay Archaelus naman ang desisyon kung pakakasalan niya si Racella. Kung oo, edi exit na ako. Ayokong makigulo. Kung ipaglalaban naman ako ni Archaelus at wala naman kaming magiging kaso sa pamilya niya, edi lalaban rin ako," ani ko.
"Ganyan nga. Nako! Wag kang mag-papatalo sa babaitang iyon. Naka-birkin lang siya pero ikaw, may pag-asang maging Demetriou!" Ngisi niya.
Napailing nalang ako at pinabantayan na muna si Dorothy sa kanya para makaligo ako.
Pagkabihis ko ay agad din akong bumaba. Naririnig ko na ang kwentuhan ni Mama Arcy at Romie kaya sigurado akong marami nanamang tanong si Mama Arcy.
"Ano Leonora, hindi ka dapat magpatalo sa erederang yon, ha?! Kahit na ba sabihin na siya ang tagapagmana ng maynila, huwag kang paaapi!" Bungad ni Mama Arcy ng makarating ako sa kusina.
Nakita kong naghahanda na sila ng sangkap sa mga lulutuin para sa hapunan.
"Ay nako, ako ang unang-una kukurot sa babaeng iyan kapag nagpaapi siya, Mama Arcy!" Segunda naman ni Romie na kalong si Dorothy.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang anak.
"Mama Arcy, wala naman pong apihan na nagaganap. Usap lang po iyon," sagot ko.
"Kahit na, alam mo ang asta ng mga iyan. Akala mo kung sinong matataas di porket may mga bathtub na marmol!"
Muli akong humalakhak, "Kayo rin naman po, ah. Ibig pong sabihin matapobre rin kayo?"
"Hindi marmol ang akin," sagot niya.
Sabay kaming napatawa ni Romie.
Panay ang pangaral at hirit ni Mama Arcy sa akin hanggang sa matapos kaming maghapunan. Nasa sala kami at nanonood ng T.V. Nabihisan ko na rin si Dorothy ng pantulog.
"Ano ba kasi ang kiniwento mo kay Mama Arcy at hindi maka-move on, ha? Ang OA nanaman siguro ng version mo," bulong ko kay Romie na busy na sa kanyang laptop.
"Wala, sinabi ko lang naman yung mga sinabi sayo nung Racella na iyon," aniya.
"Oh, eh bakit parang si Mama Arcy pa ang inapi sa mga hirit niya? Nako, Romie, magka-aminan na tayo, ang OA nanaman ng kwento mo, ano?"
"Hindi nga! Sinabi ko lang naman na inaagaw niya si Archaelus sayo at sinasabing sila ang magpapakasal at maiitsapwera ka na, na sinasabi niyang sila ang bagay dahil pareho silang alta at ikaw ay gusgusin! Na sila born with a silver spoon tapos ikaw, ni walang spoon. Ayun lang naman," sagot niya.
"Oh, edi ang OA nga! Hay nako, ewan ko sayo."
Sabay-sabay kaming napalingon ng marinig namin ang boses ni Minda.
"Ate, may naghahanap kay Leonora sa labas," aniya.
Agad nangunot ang noo ko, si Archaelus kaya? Alas nueve na ng gabi.
"Si Archaelus ba? Papasukin mo na," sagot ni Mama Arcy.
"Ay hindi po, babae po. Naka-kotse," sagot ni Ate Minda.
"Nako, huwag mong sabihin na hanggang dito ay sinundan ka pa ng Racella na iyan, ha?" Ani Romie.
"Hala sige, tignan niyo na," sabi ni Mama Arcy atsaka kinuha sa akin si Dorothy.
Nauna akong lumabas at nakasunod naman si Romie.
Agad kaming nagkatinginan ni Romie ng makalabas kami ng gate at makita kung sino ang sinabing naghahanap sa akin.
"Hello, friends!" Aniya habang nakangisi.
"Karina?" ani ko.
"Yes, it's me. I'm here to get my daughter. Babawiin ko na siya."
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomansLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...