Freed Heartaches
Kabanata 20: What are we?Lunes nanaman ngayon, trabaho ulit. Bandang alas cinco ng magising ako. Nang makababa ako sa kusina, naabutan kong naroon na rin si Mama Arcy, hindi ko siya nakita kahapon dahil umalis raw sila ni Ate Minda at nagsimba sa manaoag.
"Mama, magkano po pala yung ibang pagkain at yung clown po?" Tanong ko habang gumagawa ng kape.
"Ha?" Sagot niya.
"Yung pinatawag niyo pong clown at yung nakaserve na extra na pagkain nung sabado, magkano po? Nahihiya po kasi akong nadagdagan pa ang gastos niyo."
"Hindi naman ako ang gumastos non."
Napatigil ako sa ginagawa at hinarap siya, "Po?"
"Hindi ako ang gumastos. Iyong si boss pogi ang gumastos non."
Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig, hawak ang tasa ng kape, napahila ako ng upuan at umupo sa harap niya, "Ano po? Si Archaelus?"
Humigop siya sa kape at tumango, "Oo, nung biyernes ng gabi ay tinext niya ako at nagtanong kung ano ang maari niyang idagdag sa birthday mo at nung kay Dorothy, sabi ko wala na, simpleng salo-salo lang. Ang kaso sabi niya, mag-party raw. Edi nag-party. Nag-hire ako ng clown at nagpalagay ng balloons care of boss pogi!"
Hindi ako makapag-salita sa gulat. Archaelus paid for those? Pero bakit? Bigla tuloy nadagdagan ang hiya ko. Kakausapin ko nalang siya mamaya pagkarating ko sa office. He doesn't need to do that.
"Ganon po ba? Kausapin ko nalang po mamaya." Sagot ko kay Mama Arcy.
"May tanong ako, Nori." Aniya.
"Ano po?"
"Wala ba talaga kayong relasyon niyang si boss pogi? Hindi mo siya boyfriend?" Marrin ang kanyang titig sa akin.
Umiling ako, "Wala po. Hindi ko po siya boyfriend."
"Hmm.." tumango siya, "Alam kong hindi naman dapat ako nangingialam sa inyo dahil buhay niyo iyan at desisyon niyo iyan. Oo, gusto ko siya para sayo kasi nakikita ko naman na mukhang mabuti siyang tao. Pero hija," hinawakan niya ako sa braso, "Mag-iingat pa rin ha? Hindi naman mapipigilan ang puso kung mahuhulog at magmamahal. Pero siguraduhin mo sanang kahit papaano, tama iyong pagbibigyan mo ng puso mo."
Ngumiti ako at tumango. Tama naman si Mama Acry. Minsan na akong nagbigay ng pagmamahal at sa maling tao pa nga. Ayoko naman na sabihin na mali agad si Archaelus. Pero kahit ganon, hayaan ko man ang puso kong mahulog, hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin.
Alam kong iyong nararamdaman ko sa kanya at sa mga pinapakita niya nitong mga nagdaang araw, hindi ko na mapipigilan. I alteady admitted to myself that I'm falling for him.
Matapos namin mag-agahan ay umakyat na ako para makapag-ayos.
I wore a simple white knee length fitted dress and my black blazer. Nasasanay na rin akong inaayos ang buhok ko kaya itinali ko ito ng mataas na ponytail at pinalubutan ng buhok ang pinantali. I applied some light make up before grabbing my purse and Dorothy. Gising na rin kasi siya.
Agad siyang kinuha ni Mama Arcy sa akin at dinala sa kusina. Bumaling ang tingin ko kay Romie na nasa sala at nagsasapatos. Pabagsak akong umupo sa tabi niya at sumandal sa sofa.
"Anong meron?" Tanong niya.
Umiling ako, "Wala. Bilisan mo, late na tayo."
"Pa-mystery ka pa diyan, malalaman ko rin naman." Umirap siya at tumayo. Pinagpag niya ang kanyang polo.
BINABASA MO ANG
Freed Heartaches (Demetriou Legacy #1)
RomanceLeonora Maxima is a teenage single mom who is forced to leave her family in the province to find a job in the city. Little did she know that she will meet a guy who is from a prominent family. Realizing that as time goes by she's falling for this ma...