𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 8

406 21 1
                                    

☠︎︎LEVIN DAVE POINT OF VIEW☠︎︎

Pagkaalis ko sa unibersidad ay tinawagan ko ang isa sa mga ka-fling ko. Kailangan ko na talagang makaraos kahit ngayon lang. Hindi sa nagpapalimos ako ng babae pero kailangan ko na talagang ilabas lahat mg libog ko.

"Hey Rita! Are you free?!" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kalsada.

"Yeah, para sayo lagi akong free." Sagot naman niya sa akin na ikinangisi ko.

"Your place or my place?" Tanong ko sa kanya.

"My place." Hagikhik niya kaya tinabig ko ang manibela ng kotse ko para mag U-turn.

"Papunta na ako." Sabi ko sa kanya bago ko binaba ang telepono ko saka binuwelta ang aking sasakyan papunta sa tinutuluyan nitong condominium.

Napapamura pa ako dahil sa traffic na aking kinakaharap ngayon dito sa EDSA, hindi ako makaalis dahil parang pagong kung magpatakbo ang mga kasabay kung sasakyan.

"Napakamalas ng araw na ito." Bulong ko sa aking sarili saka sinipat ang buong paligid.

Damn fucking hell! Kaya pala parang pagong kung umusad ang mga sasakyan dahil may nagkabanggaan sa gitna ng EDSA.

"Geez! What a fucking day!" Napapahawak ako sa aking noo, saka ako umub-ob sa manibela ng sasakyan ko. "Kung ang ducuti ko sana ang dala ko ay nakarating na ako sa tagpuan."

Pero sa pagkalipas ng dalawang oras ay hindi pa rin umuusad ng maayos ang kalsada, tiningnan ko din ang aking relo. Mag-alas sais na ng hapon. Ganun ako katagal namalagi sa EDSA. Ayaw ko naman iwanan ang sasakyan ko dito.

I need to call Rita na hindi ako matutuloy dahil sa trapiko na kinakaharap ko ngayon. I know that she will understand me. Kaya habang hinihintay ko na umusad ang trapiko ay tinawagan ko na ito.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya sa akin ng sagutin niya ang tawag ko, mahihimigan mo rin sa tinig niya ang pagkadismaya at pagkainip.

"I'm sorry Rita, hindi na ako matutuloy because I'm in between of the road. I mean  traffic." Sagot ko sa kanya habang pasulyap-sulyap sa paligid.

Nakita ko rin na naglabasan na rin ang mga estudyante sa kanila paaralan dahil sa mga nakikita kung naka-unipormado ng G.U.

"I understand, so next time." Sabi niya sa akin.

"Yeah... n-next time." May alanganing sagot ko saka tumingin sa isang grupo ng lalaking estudyante, na may kinukulit na isang babae.

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil binaba ko iyon bigla ng masigurado ko na tama ang hinala ko. They force the girl who put corn in my mouth na halatang ayaw niyang sumama.

❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀

❥︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW❥︎

Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada dahil uwian na namin ng biglang may anim na lalaking humarang sa dinadaanan ko. Ang mga lalaking ito ay mga kaklase ko na halatang mga babaero at nilalaro ang mga kababaihan sa kanilang mga kamay.

"Hoy transfer-in pansinin mo naman ang kaibigan namin na si Kevin. Na love at first sight kasi sa'yo." Pangungulit ng isa pero hindi ko pinansin, may trabaho pa ako mamayang alas syete kaya dapat makauwi na ako.

"Deadma si Miss Transfer-in, mababait naman kami. Hindi kami nangangain ng tao." Sabi pa ng isa habang napapalabi pa. "Ganito na lang Maria, ibigay mo na lang ang numero ng telepono mo para tumigil na kami sa pangungulit sayo."

LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now