𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 2

600 22 1
                                    

♡︎MARIA YRISHA POV♡︎

Nakasimangot ako habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam na ganito pala ang asal ng mga taga siyudad na pakayabang, lalo na ang lalaking antipatikong 'yon. Akala mo naman kong sinong gwapo.

Oo gwapo nga siya, hot, malakas ang hatak niya sa mga babae pero hindi man lang tumindig ang balahibo ko sa taglay niyang 'yon. Tumaas lang ang dugo ko dahil sa galit sa kanya. Mga taong akala mo ay perpekto.

"Bwisit na buhay naman, akala ko maganda na ang magiging karanasan ko dito," bulong ko sa sarili ko tsaka ko sinipa ang isang bato na nasa paanan ko.

Nang masipa ko ay may narinig akong daing at sigaw na sana ay binilisan ko lang ang pag-alis "Aray ko naman putangina!"

Tatakbo na sana ako dahil sa boses niya na halatang galit na galit na. Oh, geez! Ang tanga mo talagang Maria ka! Hindi ka nag-iingat, bagohan ka pa naman dito.

"Pasensya na po, sorry, sorry hindi ko po sinasadya," magalang at nakayuko kong sabi sa kanya saka paulit-ulit ang pagyuko ko dahil sa kagagahang ginawa ko ngayon.

"Nagpapahinga lang naman ako saglit dahil sa pagod ako sa trabaho pero bakit may bato," reklamong sabi niya sa akin na ikinatingin ko sa kanya saka ako naghanap ng bandage sa bag ko para lagyan ang sugat niya.

"Pa-pasensya na ta-talaga hindi ko si-sinasadya. Bagohan pa kasi ako dito sa Manila," hinging paumanhin ko na naman sa kanya.

"Ayos lang ano ka ba, ganyan din ako noong baguhan palang ako dito sa Maynila hehehehe," natatawang sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.

"Chrisha, Chrisha Carol Sandoval," nakangiting pakilala niya pa sa akin kaya alanganin ko itong hinawakan ko naman at nagpakilala din.

"Maria Yrisha Macadayao!"

"Ang ganda ng pangalan mare, Maria!" natatawang wika niya na ikinakamot ko sa aking ulo.

"Dalagang filipina na talaga," dagdag pa niya saka tumingin sa mga bagahe ko. "Naghahanap ka ng matutuloyan?"

"Oo nga po eh, may alam po ba kayo?" magalang na wika ka ko na ikinaasim ng mukha niya.

"Huwag ka ng mag po. Oo naman may alam ako, sa pinagrerentahan ko, halika kulang kami ng isa," nakangiting sabi niya sa akin kaya sino ba ako para hindi humindi.

"Sige ate," nakangiting wika ko saka kami naglakad papunta sa terminal ng mga tricycle para makapunta sa sinasabi niyang tinutuloyan niya.

Habang tumatakbo ang tricycle ay hindi ko maiwasang tumingin sa paligid o dinadaanan namin. Maraminh eskinita ang pinasukan namin. Marami ding mga tambay o mga taong naglalakad-lakad na akala mo ay wala silang prinoproblemang problema sa kanilang buhay.

"Ito na po ang pamasahe namin," napalik lang ako sa huwisyo ng magsalita si ate Chrisha.

"Sukli po namin, kahit sentimo pa 'yan pakibogay ho, dahil sa panahon ngayon mahirap na pong kumita ng perang ganyan kahalaga," rinig ko pang sabi niya sa mamang driver na ikinakamot lang nito.

"Salamat po!" magalang kong wika dito bago siya umalis sa harapan namin.

"Danah! Dito ako naninirahan!" masayang anunsyo niya ng iharap niya ako sa isang kalahihang bahay pero tabla ang tabing nito. Medyo may sira din ang bubong nito na kapag umulan lang ng kaunti ay tutulo na ang tubig doon.

"CC ang bilis mo naman umuwi, sabi mamamasyal ka!" nakasimangot na wika ng isang lalaki na hindi ko kilala.

"Boring naman nga pala may kasama ako," masayang wika lang ni ate Chrisha saka niya ako pinakilala.

"Maria Yrisha my new friends. Oh ingles 'yan hahahaha!"

"Ewan ko sa'yo CC, hello I'm Marky," maarteng pakilala niya na ikinangiwi ko dahil bakla pala siya.

"Hello!" ganting bati ko saka niya ako tinignan sa ulo ko hanggang sa paa ko.

"Bata, sexy, at maganda. Kaya mo bang sumabak sa---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng pumagitna si ate Chrisha.

"Hindi siya pwede doon. Kaya shut up ka girl," mahinahong wika ni Chrisha sa kanya.

"Nagdadala ka lang pala ng palamunin dito, hindi naman pala siya maasahan!" maarteng wika na naman nito na ikinayuko ko dahil ako ang pinag-aawayan nilang dalawa.

"Hindi pa siya pwede dahil minor pa siya kaya maghintay pa tayo ng isa pang taon para isabak siya doon!" depensa naman ni ate Chrisha na ikinganga ko dahil hindi ko mahintindihan ang mga pinagsasabi nilang dalawa.

"Teka, ilan taon kana ba hija?" tanong niya sa akin.

"Seventeen po," magalang na sagot ko na ikinatango-tango niya.

"Kailan ka mag-eighteen?" tanong na naman niya.

"December 31 po," magalang na sagot ko na naman.

"Bullshit! Matagal pa siya mag-eighteen, ano ba ang buwan ngayon huh?!" singhal na naman niya kay ate Chrisha.

"Pebrero," halos bulong na wika ni ate Chrisha.

"Exactly CC! Pebrero palang, marami panf buwan ang hihintayin natin. Damn it!" naiiritang wika ni Marky kay ate Chrisha bago siya umalis sa harapan namin.

"Hayaan mo 'yon, kakausapin ko mamaya, halika pasok ka," nakangiting sabi niya sa akin saka niya hinapit ang baywang ko para makapasok na kami sa loob ng bahay.

"Parang ayaw niya na nandidito ako ate Chrish---" hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"CC, ate CC will do! Oh ingles na naman 'yan!" natatawang sabi niya sa akin na ikinatawa ko na din dahil sa kahyperan niya.

"Sige ate CC, so 'yon nga parang ayaw niya ako na dito ako manatili," pag-aalinlangang wika ko sa kanya na ikinagulo niya sa aking ulo.

"'Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa'yo dito," nakangiting wika niya sa akin na ikinatango ko nalang dahil kahit kakikilala ko lang sa kanta ay magaan na ang loob ko sa kanya.

"Ipapaliwanag ko sa'yo, soon kung ano ang sinasabi niya kanina, hindi pa ngayon kundi sa tamang panahon. Oh siya maggagabi na din, ayusin mo ang kagamitan mo diyan sa may cabinet sa tabi ng malaking cartoon," nakangiting wika niya sa akin na ikinatango ko naman bago siya umalis sa kwartong pinang-iwanan niya sa akin.

Napatunganga lang ako habang tinitignan ko ang paligid ko, maliit lang ang kwartong ito. Esakto lang na pang-isahan lang talaga. Talagang nag-iisa na lang ako, nag-iisa na wala man lang karamay sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko tulad ngayon.

Inayos ko nalang ang mga kagamitan ko saka ko nilabas ang larawan ng mga magulang ko na 'yon lang ang baon ko noong nawala sila sa piling ko. May larawan din ang kapatid ko pero maliit pa siya noong nawala siya sa piling namin.

Habang hinahaplos ko ang mga larawan ay hindi ko mapigilang umiyak, ang pagkaulila ko ay parang isang panaginip lang na sana ay panaginip na lang talaga. Hindi ko pala kaya ang mawalan ng mga magulang, hindi ko pala kaya ang mag-isa, at hindi ko pala kayang tumayo sa sarili kong mga paa.

"Ang susunod na gagawin ko ay maghahanap ng trabaho," nakangiting wika ko sa larawang hawak ko. "Pagbalik ko sa lugar kung saan iniwan niyo ako ng sabay-sabay ay makukuha ko na din ang katarungan, mahal na mahal ko kayo sobra pa sa sobra!"

Humihikbi lang ako, saka ako humiga sa kamang matigas, saka doon nalang ako umiiyak ng umiiyak hangang hindi ko na pala nararamdamang nakatulog na pala ako.










#New Friends o New Enemy

#Next Chapter Coming

#Vote/Comment sapat na 😊😊

Sweet_Angel-27

LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now