𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 21

482 18 1
                                    

☠︎︎LEVIN DAVE POINT OF VIEW☠︎︎

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na tadyakan ang mga nakikita kung bato sa paanan ko. Nagagalit ako, oo nagagalit ako dahil sa sinabi niyang ako ay nasa taas tapos siya ang nasa baba, oo pwede yun kung nasa kama kami, pero kung sa istado ng buhay malabo.

"Tanginang istado sa buhay yan." Bulong ko, saka tumingin sa kalangitan, na parang nagbabadyang umulan.

"Kawawang bato." Narinig ko pang wika ni Lion, ang putangina.

"Edi kainin mo, kingina ka!" Sigaw ko sa kanya na ikinatingin ng asawa niya sa akin ng masama.

"Pfftt. Bwahahaha!" Tawa lang siya ng tawa dahil bapangiwi ako sa inaasta ng kanyang asawa.

"Mabulonan ka sana, kingina mo!" Sigaw ko sa kanya, saka ako tumakbo papunta sa kotse ko dahil parang nagalit yata ang asawa niya.

"Mga isturbo ng buhay ko, mga panira." Bulong ko sa aking sarili, habang tinitingnan ang mga walanghiya na naglalambingan sa harapan ng kanila kotse. Kingina, hindi ba sila nahiya, nasa quadrangle sila ng university na pag-aari ng boss namin.

"Mga walanghiya." Bulong ko, saka ko pinindot ang busina ng kotse ko ng pagkalakas-lakas saka pinaharurot na 'yun. Pero pagtingin ko sa mirror ko sa taas ay nakita ko si Langgam na nakangiwi din.

"What the fuck are you doing here?" Naiinis na wika ko sa kanya na ikinailing lang niya.

"Narinig ko lahat mga pinagsasabi mo, pero I'm agree, mga walanghiya talaga sila. Hindi naman makatarungan na maglambingan sa mismong harapan natin, tsked!" Wika niya sa akin na ikinatawa ko, dahil totoo naman.

"Maghanap kana kasi." Natatawang wika ko na ikinangisi naman niya.

"So it's true, na ang babaeng binabakuran mo ay..." Ngumiwi ako sa pabitin na usal niya sa akin.

"Fucking yeah!" Sagot ko na lang dahil alam ko na ang sasabihin niya.

"Oh damn it, sana all!" Wika niya saka siya lumipat ng upuan sa front seat.

"Tsked! Crazy, makukuha mo din naman siya kung gusto mo." Natatawang wika ko na ikinangiwi niya.

"Ang amazona na 'yon, no, I can't." Sagot niya sa akin na ikinatawa ko.

"Kung hindi makuha sa santong dasalan." Wika niya sa akin na ikinatawa ko na naman.

"Ano, sa santong paspasan ba?" Wika ko sa kanya na ikinailing lang niya saka siya tumingin sa bintana.

"Dadaanin ko siya sa pagkidnap papuntang Mars." Naipreno ko bigla ang sasakyan ko dahil sa sagot niya. Kingina!

"Putangina naman Portella, sinira mo naman ang gandang lalaki ko." Reklamo niya dahil nauntog siya sa may bintana ng kotse ko.

"Tanginang, pag-iisip 'yan." Naiiling nalang na wika ko saka pinaandar ulit ang sasakyan ko.

"At least gwapo, diba?" Wika niya habang pataas baba ang kanyang kilay na ikinasimangot ko.

"Gwapo nga pero torpe naman." Sagot ko sa kanya na ikinangisi niya bigla.

"Kahit torpe, hindi tarantado." Sagot din niya sa akin.

"Kingina, oo na, saan ba kita ibaba, papunta-punta, wala naman palang dalang sandata." Naiiling na naman na wika ko sa kanya.

LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now