♡︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW♡︎
"Hindi ko naman akalain na iyon na pala ang huli naming pagkikita." Sinisinok na wika ko sa kanya, pero tumayo lang siya saka niya sinalinan ng tubig ang baso ko.
"Here, umiinom ka muna, baka madehydrate ka sa kakaiyak mo." Nag-aalalang wika ng aking amo.
"Salamat." Halos pabulong na sagot ko dahil hindi ako makapagsalita ng maayos.
"Hmm what about your brother? Where is he now?" Tanong niya sa akin na ikinailing ko, dahil pati ako ay hindi ko alam kung nasaan siya.
"Hindi ko alam, dahil sa pagkamatay at pagkalibing ng aming mga magulang ay wala ni anino niya ang nakita." Sagot ko sa kanya na ikinatango naman niya.
"Alright, I think you need to rest now, but first kumain na muna tayo. And sorry for asking about what happened to you, and to your family, two months ago." Wika niya sa akin na ikinatango ko lang.
Kumain na lamang kami, habang wala ni isa ang nagsasalita. Ewan ko ba? Parang malalim na ngayon ang iniisip ng kaharap ko ngayon, dahil sa ginagawa niya sa kanyang pagkain.
"Sir, 'wag niyo na pong problemahin ang problema ko." Halos pabulong na sabi ko sa kanya dahil ang lalim na yata ang iniisip niya.
"Hmm, saang lugar kayo nakatira?" Tanong niya, habang seryosong nakatingin sa akin.
"Bakit niyo po tinatanong?" Balik tanong ko namam sa kanya.
"Hmm, basta, just give me your address then, boom problem solved." Nakangiting wika na nita ulit.
"Ano po ba ang ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko ulit, pero ngumuso lang siya saka siya tumayo sa kinauupuan niya.
Saan siya pupunta?
Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka magalit na naman siya. Susubo na sana ako ng pagkain ng bigla siyang dumating saka niya inilapag ang isang bandpaper at ballpen.
"Huh?!"
"Hayst, just write in here, kung ayaw mong sabihin."
"Pero..."
"Wala ng pero-pero, just write it. Time is moving, tic-tac, tic-tac." Napatawa pa ako dahil sa huling wika niya, na para bang bata na napapakamot sa kanyang kukute kaya wala na akong nagawa kundi isinulat ang lugar namin, saka address kung nasaan nakatirik ang aming tahanan.
"Just eat, then rest. I'll be right back." Wika niya sa akin, saka niya kinuha ang kanyang jacket sa may sabitan nito.
"Lock the door while I'm gone!" Pasigaw pa niyang wika.
Sasagutin ko sana siya, ng makalabas na siya sa kanyang condo. Oh, what happened to that man? Napakabilis niyang mawala sa paningin ko.
Napapailing nalang ako saka pinagtuunan ng pansin ang kinakain ko. Grasya na ang lumalapit sa akin edi eat what you can? Susubo na naman sana ako ng mapansin ko ang kanyang plato na puno ng pagkain na halos hindi pa nagagalaw.
"Sayang kakainin ko nalang." Bulong ko sa aking sarili saka ko kinuha ang mga pagkain na nakalagay doon. Tama siguro ang sinabi niya na kumain ako ng marami dahil napagod ako sa pag-iyak kani-kanina lang. Saka kasalanan naman niya bakit ako nagutom ng ganito.