𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 3

519 23 0
                                    

♡︎MARIA YRISHA POV♡︎

"Maria gumising kana diyan, diba maghahanap kapa ng trabaho mo," tinatapik at yinuyog ako ng gumigising sa akin kaya wala akong nagawa kundi bumangon nalang.

"Saan mo pala balak maghanap ng trabaho?" tanong niya sa akin na ikinakamot ko sa aking ulo.

"Waitress nalang siguro, at kahit saan nalang ate," nakangiting sabi ko habang nagsisipilyo akp ng ngipin ko.

"Good! May irerekumenda ako para less stress kana girl. Maganda doon kaso panggabi," alanganing sabi niya sa akin na ikinatango ko ng paulit-ulit dahil malaki ang maitutulong no'n sa akin.

"Ayos lang ate basta makaraos sa gutom hahaha," natatawang sabi ko habang kinukuha ang twalya ko para makaligo kaso may pila pala.

"Dapat maaga ka gumising para ikaw ang unang maliligo, ganito dito unahan dahil nag-iisa lang naman ang banyo kaya kita mo ako nakaligo ako dahil maaga ako," patawa-tawang wika ni ate CC.

"Ayos lang ate, kaya ko naman ang maghintay," nakangiting sagot ko sa kanya pero sumimangot siya.

"Sana all! Marunong maghintay, hindi 'yong hanggang salita lang! Ang sarap nilang ipahalik sa dugyot na unggoy!"

"May pinagdadaanan ate?" napapailing na tanong ko habang nakatingin sa mga nagtutulakan na nagrerenta din dito na talagang mahuhuli na sila sa kani-kanilang trabaho.

Naghintay lang ako ng higit na tatlong oras para maligo.

"Tara na ate CC!" sigaw ko habang inaayos ko ang sling bag ko na regalo pa ng papa ko noong last birthday ko. Noong nabubuhay pa siya.

Nakita ko naman siya na may kasama na siyang tricycle habang hinihintay niya ako ay naglalagay siya ng kuloreta sa kanyang mukha.

"Sigaw ka ng sigaw, kanina pa ako naghihintay sa'yo dito," nakasimamgot niyang sabi kaya napayuko ako ng dahil sa pinaghintay ko siya.

"Pasensya na ate CC," napapakamot sa ulong wika ko sa kanya habang kinakagat ang hintuturo ko.

"Ano ka ba, tara na! Hindi kana mabiro. Tupel tayo na," natatawa at naaliw na wika ni ate CC saka niya ako hinila papasok sa loob ng tricycle.

Habang tumatakbo ang tricycle ay kinakabisado ko na ang mga dinadaanan namin para alam ko na sa susunod kung saan ako papasok at saan ako lalabas sa mga eskinitang nakikita ko. Hanggang sa makarating kami sa terminal ng jeep papunta sa City kung saan ako bumaba.

"Ngiti lang beh, mabait ang boss ko," nakangiti sabi ni ate CC sa akin habang papasok kami sa isang bar. Oo, bar na may laman ng mga tao. Kahit mag-alauna palang ng hapon ay may mga taong naglalasing na.

"Ganito ba talaga sa Manila ate?" napapangiwi at napapailing na tanong ko kay ate CC habang pinagmamasdan ang mga taong nadadaanan namin.

"Yeah!" simpleng sagot niya saka niya ako hinila papasok sa isang kwarto. Napapikit at parang biglang huminto ang mundo ko ng maamoy ko ang usok ng sigarilyo nang nasa loob na kami.

"Well, not bad Carol. Maganda, balingkinitan ang pangangatawan at bata," nakangising wika ng isang matanda na nakaupo sa swivel chair niya habang sumisipsip siya sa kanyang sigarilyo.

Napaubo pa ako ng ibuga niya sa akin ang usok nito. Damn! Ano ba itong pinasok ko. Gabayan niyo po ako, kung ano man ang kahihinatnan nito.

"Ang usapan ay usapan Grego, hindi pa siya pwede doon," seryosong sabi ni ate CC kaya napakapit ako sa kinauupuan ko sa tindi ng pressure na nakapaligid sa amin.

LO #7: My Hottest Mistake(COMPLETED)Where stories live. Discover now