♡︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW♡︎
Nang makapagbihis at makapag-ayos na ako ng uniporme ko ay bumababa na ako, naabutan ko pa si sir Levin na preskong nakaupo sa may sala niya, habang may mga papel sa harapan niya at may hawak din siyang kape sa kaliwang kamay niya saka ang kanan naman ay kape, kaya tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya.
"Ano namang klaseng uniporme ang suot mo? Kulang na lang masisilipan kana bata!" Galit na namang sabi niya sa akin. Bakit parang kasalanan ko pa na ganito kaikli ang palda na suot ko na above the knee.
"Hindi ko po kasalan kung ganito ang uniporme namin. Pumunta po kayo sa dean or sa CEO ng unibersidad dahil kaibigan niyo naman po siya." Sagot ko sa kanya saka ko sinukbit ang bag ko sa mismong harapan niya.
"Mismo, talagang kakausapin ko siya for this matter. Halika na sabay na tayo." May awtoridad na wika niya kaya wala na akong nagawa kundi sumunod na lamang sa kanya.
"And by the way you need to sign this before we lived." Seryosong wika pa niya kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pinermahan na ang mga dapat kung permahan ng hindi binabasa.
"Good girl!" Nakangising wika niya bago niya iyon kinuha sa aking mga kamay ay pinunta sa isang enveloped at naglakad na siya papalabas ng condo kasama ako.
-----
Habang tumatakbo ang sasakyan niya ay wala kaming imikan, saka wala naman na akong masabi. Ang alam ko lang ang nakakatakot siya pero bakit hindi ako natatakot sa mga kagaya niya. Ang nararamdaman ko lang ay natetense ako sa tuwing malapit siya sa akin.
"Hmm. Mr. Portela sa may malapit na lang po ako sa gate baba." Basag ko sa katahimakan sa pagitan namin.
"Nah." Maikling wika niya na ikinayuko ko dahil imbes na ibaba na niya ako ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng unibesidad.
Napansin ko rin ang pag-sunod ng mga ibang estudyante sa pagpasok ng kanyang sasakyan. Geez! Ano ba itong pinasok ko? Hindi ito makatarungan. Nahihiya ako na natatakot dahil iba-iba ang pumasok sa mga madudumi nilang isipan kapag bumaba na ako dito sa loob ng kanyang sasakyan.
"Tasked! You look tensed, calm down bata." Biglang sabi ni sir Levin sa akin na ikinatango ko naman bago ako bumaba sa binuksan niyang pinto, hindi ko rin naramdaman na nakahinto at nakababa na siya para pagbuksan lang ako.
Tumingin na mo na ako sa paligid, at nakahinga naman ako ng maluwag dahil nasa private parking lot kami kung saan walang ibang nakakapasok kundi ang may ari, at mga kaibagan lang niya.
"Salamat po sa pagsabay sa akin." Nakayukong wika ko sa kanya na ikinagulo na naman niya ng aking buhok.
"Bilisan mong lumaki bata, para matapos na ang paghihirap ko." Bulong niya sa akin bago ko naramdaman ang paglakad niya papalayo.
Ano na naman kaya ang pinagsasabi niya sa akin? Ni hindi ko mahintindihan. Siya naghihirap, saan naman? Hayst! Nababaliw na yata siya, pati ako ay dinadamay-damay niya sa pag-iisip ng sinabi niya so it means pareho na kaming nababaliw.
"Hayst! Ewan ko sayo sir Levin!" Sigaw ko sa kanya na ikinakaway niya lamang ng kanyang kamay kaya nakasimangot akong sumunod sa kanya. Mas maganda na din na nauna na siya para hindi kami makapagsabay sa paglabas dito sa parking lot. Iba na kasi ang mga tao ngayon, mapanghusga!
«»«»«»»»«»«»«»«»«»
☠︎︎LEVIND DAVE POINT OF VIEW☠︎︎