♡︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW♡︎
Humihingal ako habang nakahawak sa aking dibdib. Nakatulog pala ako sa sala habang iniisip ko ang nakaraan. Na napunta sa isang bangungot.
"Ang sama ng panaginip ko. Bakit siya pa ang nandun?" Hingal parin na wika ko sa aking sarili saka ako tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng malamig na tubig.
Kumuha ako ng baso saka kumuha ng tubig mula sa refrigerator tapos ibinuhos ko na ito. Habang ibinubuhos ko ang tubig sa baso ay naaalala ko na naman ang panaginip ko.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa lalaking nasa harapan ko na ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya biglang sumulpot.
"What do you think your doing bata?" Galit na tanong niya sa akin.
"I want to revenge my family, kaya umalis kana dito." Bulyaw na sagot ko naman sa lalaking kaharap ko.
"Then this is not the right tim---" Hindi na niya natuloy ang nais niyang sasabihin sa akin ng may tumamang kutsilyo sa kanyang dibdib.
"Hindi pwede, hindi 'yun magiging totoo." Wika ko sa aking sarili habang nakangiwi dahil bumalik lang ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang malamig na tubig na ngayon ay tumutulo na sa may lamesa na tumatama sa aking mga paa.
"Ang lamig!" Hiyaw ko pa habang pinupunsan ko ang katangahang ginawa ko.
Nawawalan na yata ako ng bait, bakit kaya napunta ang panaginip ko sa lalaking kinamumuhian ko ngayon. Geez, nakakasuka!
--
Pagkatapos kong linisan ang kusina ay pumunta na lamang ako sa sala, lininisan ko na kasi ang buong kusina dahil pansin ko na madumi na kagagawan ko lang din. Pero speaking sa boss ko? Bakit wala pa siya? Sa oras na ito ay nasa library na siya.
"May nangyari kayang masama sa kanya?" Bulong ko sa akin sarili saka ko sinasampal-sampal ang pisngi ko.
Sana wala, may pasok pa pala ako maya-maya, so I need to calm down, baka isipin niya na siya palagi ang nasa isip ko. Oh geezz, I don't know this feeling na ang lakas-lakas ng kabog ng aking dibdib sa tuwing malapit siya, or kapag wala naman siya ay siya ang nasa isip ko.
"Nababaliw na ba ako?"
Hope hindi, dahil mapapatay ko ang amo ko, bakit ko ba kasi siya iniisip o hinahanap. Hayst, buhay naman talaga.
----
LEVIN DAVE POINT OF VIEW
"Nasaan na pala tayo gentlemen." Nakangising wika ni Lion habang paikot-ikot siya sa mga mapangahas na humaharang sa amin na ngayon ay nakagapos.
"Goddamn it, bakit ang baho ng hininga mo?" Umiiling na wika naman ni Johnthony habang nasusuka kunwari.
"Mga gago, ako dapat ang lalapit hindi kayo." Wika ko sa kanila na ikinatango nila ng sabay-sabay, saka sila lumayo sa lalaking nakagapos na ngayon.
"So, what do you fucking want? Bakit mo kami sinusundan? At--" Hindi ko na natuloy ang nais kung sasabihin ng biglang may bumatok sa akin.
"Gago, dapat isa-isa lang ang pagtatanong, look at his face, nawawalan na ng bait dahil sa pagkalito sa mga katanungan mo." Wika ng kapatid which is siya ang bumatok sa akin.
