☠︎︎THIRD PERSON POINT OF VIEW☠︎︎
"Aalis na po ako!" sigaw ng isang dalagita habang naiiyak dahil ngayon na ang araw para umalis siya sa lugar kung saan nagbigay sa kanya ng hindi kaaya-ayang pangyayari sa kaniyang buhay.
"Mag-iingat ka doon Maria, sana gabayan ka ng Diyos sa iyong patutunguhan," nakangiting wika ng matandang tumulong sa kanya upang ilibing ang kanyang mga magulang.
Karumaldumal kasi ang nangyari sa kaniyang pamilya dahil pinasok sila ng mga grupong hindi nila kilala at hindi pamilyar na pagmumukha. Wala si Maria noong nangyari ito dahil nagtatrabaho siya sa isang fast food kapag gabi kaya nakaligtas siya sa mga lalaking 'yon.
"Maraming salamat po sa mga natulong niyo sa akin," naiiyak na wika ni Maria dahil kalilibing lang ng kanyang mga magulang at nawawala din ang kanyang kuya.
Sa edad na labing pito anyos ay hindi na niya alam kong saan ba siya patungo. Nag-iisa, nalulungkot, nagagalit at naghihinagpis ito siya ngayon.
"Shh! Alam kong may hustisya din ang pagkamatay nang 'yong mga magulang mo. Ito pagpasensyahan mo na ito ineng dahil ito nalang ang maipapabaon ko sa'yo," malungkot na sabi ni Aling Florie kay Maria.
"Hindi po, ayos lang po, marami na po kayong naitulong sa akin," magalang na wika ni Maria sa matanda pero pinilit parin siya nito na kuhanin ang dalawang libo.
Nakangiti siyang naglalakad paalis sa lugar kong saan doon niya naranasan ang masasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Marami ding nakatingin sa kanya. Lahat ng bawat hakbang niya ay pinapanuod nila. Pero wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid.
"Sa pagbabalik ko sa lugar na ito ay ipapakita ko sa mga taong pumatay sa aking mga magulang na kaya ko na silang kalabanin. Hanggang sa muli Villa Marina!"
Huling wika niya bago siya sumakay sa isang tricycle na naghihitay sa kanya papunta sa bayan para doon na siya sasakay ng Bus papuntang Manila. Dahil nararamdaman niya na dito siya magiging matagumpay.
ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎ఌ︎
MARIA YRISHA POV
Maingay, mausok, matatayog na gusali ang sumalubong sa akin. Kaya napapikit ako habang ninanamnam ang amoy ng hangin dito sa Manila. Manila na punong-puno ng mga sasakyan, tao, at mga gusaling naglalakihan.
Naglalakad lang ako ng may ngiti sa aking mga labi dahil ngayon lang ako nakatungtong sa lugar na ganito. Pero nalungkot din dahil naiisip ko na naman ang aking mga magulang na naabutan kong maraming saksak sa kanilang katawan. Ang aking kuya naman ay hindi pa nila natatagpuan kaya ako'y mag-isa.
Umupo ako sa isang banketa dahil nakakapagod din maglakad sa ganitong kalawak na lugar. Napatingala nalang ako sa kalangitan tsaka kumakain ng mais na binigay sa kanya ni Aling Florie. Susubo na sana ako ng biglang may humintong nakasuit na lalaki sa akin kanan kaya tumingin ako dito.
Napamaang pa siya dahil sa taglay nitong kakisigan, katangkad at matitipunong katawan. Hindi niya matanggal-tanggal ang tingin dito dahil parang may magnet na nag-uudyok sa akin na titigan lang ito.
"You look idiots the way you look at me Miss," sa baritong wika niya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay na kahit may suot itong sunglasess ay makikita mo parin ng pagtaas nito.