❥︎MARIA YRISHA POINT OF VIEW❥︎
"Ano po ang nangyayari?" Tanong ko sa kanila na ikinatingin nilang lahat sa akin. Saka nila ako tiningnan mula ulo hanggang paa pero mabilis na umiling si ate CC saka siya pumunta sa tabi ko.
"Hindi siya ang sulusyon sa problema natin. Hindi pa siya pwede sa iniisip niyo." Humarang siya sa may harapan ko habang tinitingnan niya ang mga kaharap namin ngayon na ikinailing lang nila.
"Kailangan CC, wala na tayong magagawa kundi isalang ang batang iyan. Hindi naman halata ang edad niya." Sagot naman ng manager, tumingin ako kila ate CC na naguguluhan.
"Bakit? Ano po ang problema?" Tanong ko sa kanya, pero hinawakan lang niya ang aking mukha saka hinaplos, napapansin ko din ang pag-aalala sa mukha niya.
"Magiging maayos din ang lahat bebe, tiwala lang kay ate okay." Garalgar ang boses niya habang nagsasalita, halata sa boses niya ang takot, panggamba at pag-alala.
"Ipaliwanag niyo na lang po, para alam ko po kung ano ang maitutulong ko." Naiiling na sabi ko sa kanila kaya lumapit sa akin ang manager namin na may ngiti sa labi.
"Ganito kasi 'yon hija, nandito ang big boss, kailangan nila ng isang babaeng mag-entertain sa kanila kaso, may sakit iyong isasalang sa intablado para sumayaw sa harapan nila." Paliwanag niya sa akin. Saka niya ako tinuro.
"Ikaw, oo ikaw ang sulusyon sa problema natin, malaki-laki din ang tip na ibibigay nila sayo. Lahat ng iyon ay sayo, wala kaming pakiaalam, ang amin lang ay may mag-entertain sa kanila habang nandidito sila sa bar." Sabi niya ulit sa akin, sa una ay hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi nila sa akin.
"Kung hindi mo kaya bebe, sabihin mo lang huh! Si ate CC ang gagawa ng paraan." Pagpapagaan ng loob niya sa akin, kaya ngumiti ako sa kanya saka ako naman ang humawak sa maamo niyang mukha.
"Kakayanin ko ate," sagot ko sa kanya na ikinayakap niya sa akin ng mahigpit.
"Basta kung may mangyaring masama sayo sa loob pindutin mo lang itong red button papasok kami." Sabi niya sa akin habang hinahaplos ang mukha ko.
"Ayusan na 'yan, malapit na ang big boss!" Anunsyo ng manager kaya nagpresinta si ate CC na siya ang mag-aayos sa akin.
"Yung bilin ko huh!" Nakangiting paalala sa akin ni ate CC habang inaayosan niya ako.
"Hinding-hindi ko 'yun malilimutan ate CC." Magalang na sagot ko naman sa kanya.
"Ang ganda mo talaga." Nanggigigil na wika niya sa akin na ikinahagikhik ko. Pero napahinto ako ng maalala ko si Kervin.
"Nga pala ate sino yong Kervin?" Tanong ko sa kanya na ikinanginig niya sa takot.
"Obsess kasi sa akin yun, hindi niya ako makuha-kuha kaya lagi niya akong pinupuntahan sa dorm." Sagot niya sa akin, kaya pala lagi siyang nauuna na pumasok sa bar dahil may pinagtataguhan siya.
"Muntik na niya akong ginahasa," napahikbi ako ng maalala ko ang nangyari sa akin kanina.
"Ano? Paano? Kailan?" May pag-aalalang tanong niya sa akin, halata din ang pagkagulat sa mga mata niya.
"Kanina, nang papasok na ako dito, muntik na ako doon apat pa sila, pero nagpapasalamat na lamang ako na may tao at nagligtas sa akin." Sagot ko sa kanya kaya walang sabi-sabing niyakap niya ako ng mahigpit.
"Ssshhhh pasensya na ah. Nang hindi dahil sa akin ay hindi ka mapapahamak, pasensya na ah. Hindi ko kasi alam, hindi ko alam na gagawin iyon sayo ng lintik na Kervin na 'yun. Bayaan mo, I will sue them, ako ang magdedemanda sa kanila." Halata sa mga mata niya ang galit, pero pumapaibawbaw ang pag-aalala niya para sa akin.
"Kahit na hindi mo pa ako kilala ng tudo-tudo ay tinuturing na kitang parang tunay na kapatid simula pa noong nakita kita ng pagala-gala ay alam kung may mabuti kang puso." Sabi pa niya sa akin kaya doon na nagsipatakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Huwag ka na ngang umiyak, masisira ang makeup na ginawa ni ate CC oh." Natatawang sabi niya sa akin. Kaya pinunsan ko na lamang ang aking mga luha gamit ang tissue na nasa mesa.
"Please, nagmamakaawa ako sayo bebe, kapag may hindi magandang mangyari sayo sa loob ng VIP room na ito ay pindutin mo lang ang red button na nasa damit mo, papasok kami." May kahulugang sabi niya sa akin na ikinatango bilang sagot.
"Kaya mo ito Maria." Pag in courage ko sa aking sarili saka ako huminga ng malalim. Bago ako pumasok sa loob.
Pagkapasok ko ay nanginginig ako, hindi sa takot, kundi sa dalawang matang nakatingin sa akin, halata din ang mukha niya ang galit. Pero hindi ko 'yon pinansin, basta nagtuloy-tuloy ako sa intamblado.
"Ikaw na siguro ang sinasabi sa akin ng manager na bago. Hmm may taste talaga sila sa pagpili ng isasalang para sa amin." May pagnanasang wika sa akin ng nasa mid thirties na yatang lalaki.
Napangiwi pa ako sa pamaraan niyang pagdila sa kanyang mga labi. Halatang manyak, sa galaw pa lang nito ay iba na ang nais niya sa akin.
Nang magsimula ang musika ay pumunta na ako sa pole dance, gymnastic ako kaya kaya kung gumiling at mag split sa harapan nila. Tumalikod ako sa kanila saka itinaas ang kaliwa kung kamay, ang kanan naman ay nakahawak sa pang-upo ko.
Careless whisper ang tugtog kaya gumigiling ako ng smooth saka biglang tumingin sa kanila. Nakita ko din ang pagkagulat ni Levin sa ginagawa ko, kahit na nahihiya ako sa kanya ay ginawa ko pa rin. Naglalakad ako papalapit sa kanila pero hindi ako magpapahawak, iyon ang bilin ni ate CC.
Habang tumutugtog ang chorus ay pumunta ako sa gitna saka doon gumiling pero hindi ko hinahasan ng may humawak sa pang-upo ko, kaya nanggilid ang aking luha, dahil doon. Piniigilan kung umiyak sa harapan nila.
Nang tangkang hahawakan na naman nila ako ay may humila sa akin, diretso sa kanyang kandungan na ikinahiyaw nilang lahat dahil napasubsub ako sa kanya.
"Damn! Hindi namin alam na may pagka-smooth pala ang isang Portela." Nakangising sabi ng muntik ng humawak muli sa akin.
"Mind your own fucking business Nieto." Lalaking-lalaki na sagot niya sa kanya ako naman ay nanginginig pa rin sa kaba at takot kaya hindi ko namamalayan na napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Oh common Portela, share na lang tayo. You know threesome is better. Mas masaya 'yun." Pangungulit na naman ng lalaki, na mas ikinakinig ko sa takot.
"Damn fucking you! You know that I don't fucking share, what's mine is mine." May awtoridad na sagot niya sa lalaking may pagnanasa sa akin.
"What are you doing here? How many times that I told you to go home, but your so stubborn. What if wala ako dito huh." Bulong niya sa akin na ikinahikbi ko na lamang dahil takot na takot pa rin ako sa mga nangyayari.
❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀❀
Hey Sweetbabies! Baka bukas busy na naman ako kaya, nag-update ako every weekend if kaya ng schedule ko ay baka makapag-update ulit ako kahit hindi weekend. Lovelots🥳🥰#Next Chapter Coming
#Vote/Comment sapat na🥰🥰